Chapter 15

3.1K 110 5
                                    



Chapter 15

"You're not allowed to fall inlove with me." Matamang sabi ko pagkatapos ay tinignan sya. Kunot ang noo nya at suot-suot ang hindi ko mabasang expression. Maya-maya pa ay nagbago ang timpla ng mukha nya. His face now is mixed with confusion and disgust.

"Are you kidding me? I'm not interested in you even a bit. Tss." Inirapan nya ako pagkatapos ay tumayo sa kama ko. Akmang aalis sya ng mabilis kong inilahad sa kanya 'yung papel.

"Hey. We need to seal this." Sabi ko.

Kumunot ang noo nya pagkatapos ay malakas na pinitik ang noo ko.

"Seal mo muka mu." Aniya pagkatapos ay inirapan ako at tsaka umalis.

Hinawakan ko ang mapula kong noo pagkatapos ay tinignan sya ng masama. Anung nangyari doon? Bakit bigla nalang nawala sa mood? Bwisit! Bipolar!

Lumabas ako ng kwarto ko kinabukasan ng nakaayos na. Humihikab akong bumaba ng hagdan para kumain na ng almusal. Nakita ko kaagad si Romeo na nakaupo doon at sumisimsim ng kape. Sinulyapan nya ako ng tingin. Nagulat ako at hindi alam ang gagawin. Kumurap ako pagkatapos ay ngumiti nalang ng kaunte sa kanya pero hindi manlang sya ngumiti pabalik. Inilipat nya ang tingin nya sa kapatid kong si Diego na umiinom din ng kape at nakipag kwentuhan dito. Sumimangot ako at inirapan sya. Tsss. Dapat di na ko nagiging mabait sa taong 'to eh! Ugaling kurimaw talaga! Tss.

Dinaan ko nalang sa kain ang frustration ko at dinama ang katahimikan ng umaga. Sana ganito nalang talaga palagi. Yung tahimik ang umaga ko. Yung tahimik din si Romeo at 'yung hindi sya nambubwisit sa akin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko matapos kong kumain. Naglakad ako palabas ng pintuan ng maramdaman ko ang paghila ng kung sino sa bag ko. Nilingon ko 'yun at nakita si Romeo sa likuran ko.

"Wait for me sa car park. Kunin ko lang bag ko." Aniya. Hindi nya ako hinintay na sumagot at umakyat nalang ng diretsyo sa second floor. Nagkibit-balikat lang ako pagkatapos ay lumabas na ng bahay at pumunta sa car park. Nakalock pa ang kotse nya kaya naghintay ako sa labas. Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin ng kanyang bintana at banas na banas kong binilang ang aking mga pimples. Meron ako ngayon kaya pumuputok na naman sila sa pagmumukha ko. Kakainis talaga.

Nang dumating sya at pumasok na kami sa loob ng kotse nya. Tahimik parin kami sa loob and I love the silence. Wooo! Sana forever ng tikom ang bibig ng taong 'to! Nang makarating kami sa loob ng car park ng University ay kinabahan na naman ako. Kasi alam kong ito na naman, paguusapan na naman nila ako. Makikita ko na naman ung mga mukha ng mga estudyanteng nanchichismis sa akin.

"Salamat." Sabi ko ng makababa ako ng kanyang sasakyan. Nagsimula akong maglakad papasok sa gate pero humabol sya sa akin. Nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay nya sa kamay ko ay nilingon ko sya. Tumaas ang kilay nya sakin. kasabay ng naramdaman kong pagsalop ng kamay nya sa kamay ko.

"What are you doing?!" tanung ko sa kanya sabay hila sa kamay ko pero hindi nya ko pinayagan.

"Nasa University na tayo so we're lovers now. And holding hands is fine now, right?" Aniya. Lumunok ako pagkatapos ay hinayaan na sya. Oo nga pala at nasa contract namin 'yun.

Kaya kahit na labag sa kalooban ko ay hinayaan ko sya. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng University at sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko. Kabang-kaba ako dahil sa dalawang dahilan. Una, ito ang unang beses kong may maka holding hands at unte-unte ko ng nararamdaman ang pagpapawis ng kamay ko. Pangalawa, kinakabahan ako sa sasabihin ng mga tao. Binalingan ko si Romeo. Talaga bang mapagtatanggol nya ko?

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon