Chapter 63

1.5K 64 10
                                    


Gasgas na ang linyang ito pero still, I'm sorry for the long wait. 

-


Chapter 63

Natapos na din kaming kumaing dalawa ni Romeo. Matindi ang kalabog ng dibdib ko sa kaba at paulit-ulit kong pinapakiusap sa kanya na wag nya nalang muna ako ihatid ngayon. Ako nalang muna ang bahalang magpaliwanag kay Kuya at kay Dom ng lahat. Natatakot kasi ako na baka kapag nagpangabot sila ni Kuya ay gulo lang ang mangyari. Ayokong magkasakitang silang dalawa. Hindi ko ata kakayanin kung makikita ko na namang bangas at duguan ang mukha ni Romeo. Kuya is serious and mad. Galit na galit sya kay Romeo at kilalang-kilala ko ang Kuya Diego ko. Tatawa-tawa lang 'yun pero masama talaga syang magalit. Minsan ko ng nasaksikan kung paanong kamuntikan na nyang mapatay sa bugbog ang isa sa mga lalaking nakaaway nila sa Gig nila noon.

"Okay. Sige. Sa gate lang ako ng bahay nyo. Kung yan ang gusto mo." Inakay ni Romeo ang kamay ko papunta sa kanyang labi at isa-isang hinalikan ang mga daliri ko doon. Lumunok akong pinagmamasdan sya habang ginagawa 'yun. Diretsyo ang tingin nya sa kalsada habang nagmamaneho. Ngumiti ako.

"Okay. I will talk to them. Sasabihin ko sa kanilang maayos na tayo. Sasabihin ko kay Kuya na wag na syang magalit sayo. I'm sure they'll understand." I said as if napakadali lang noon. Tumungo-tungo sya pagkatapos ay nagkagat ng labi. Nakikita ko padin ang ilang peklat sa perpekto nyang mukha ng dahil sa ilang ulit nyang pakikipag away.

Ofcourse it's not that easy. Marami pang hindi maayos. Si kuya Diego, si Kristoff ang mga magulang ko at ang mga magulang ni Romeo. Sa totoo lang ay magulo padin talaga ang lahat but I don't care. As long as I'm with Romeo, I am sure that will make this work. We'll find a way. Magkasama kaming dalawa na hindi na kami magkakahiwalay pa.

"Magiging maayos din kami ni Diego." Panimula nya. "Nagaaway din naman kami noon. Pero ito ang unang beses na nagaway kami ng malala. So I'm kinda worried. Kilala ko sya kapag galit. Nagagalit lang sya ng ganoon kagrabe kapag tungkol sayo." Sinulyapan nya ako.

Ngumiti ako. "Mahal nya lang ako. And he just wanted to protect me. Sana ay hindi ka galit ka sa kanya." Sabi ko at pinisil ang kamay nya.

It may look like that Kuya Diego is a cold-hearted brother to me but it was actually the opposite. Sa totoo lang ay napaka protective nya sa akin. And he loves me. In his own way.

Hininto nya ang sasakyan ng abutan kami ng stoplight. Bumaling sya ng tingin sa akin at kaagad ko namang sinalubong ang magaganda nyang tingin. "I am not mad at him. Hindi ako galit sa kanya o sa kahit na kanino. I'm actually mad at myself dahil nagawa kong saktan ka ng ganon." Ngumuso sya. "Alam kong mahal ka ni Diego kaya ka nya inilalayo sa akin. But I love you so damn much too and he doesn't have to protect you. Ako na ang gagawa noon simula ngayon." Ngumiti sya at alam ko sa sarili ko na isusugal ko na naman ang lahat. Na wala na akong pakialam kung masaktan man ako ulit. Kung masaktan man nya ako ulit. Susugal padin ako. Handa pa din akong sumugal sa isang Romeo Dimitri Mondragon ng paulit-ulit. He makes me so damn happy and I love.. love him so much that I am willing to risk it all again.. over and over again.

Nang makarating na kami sa tapat ng gate ng aming bahay ay binalingan ko kaagad ng tingin si Romeo. Pinatay nya ang sasakyan pagkatapos ay hinaplos ang pisnge ko at marahan akong hinalikan.

"Tatawagan kita." He assures me.

Tumungo-tungo ako pagkatapos ay niyakap sya ng mahigpit. I honestly don't want him to go. Kagabi lang kami nagkaayos at kahit na boung gabi kaming magkasama ay pakiramdam ko kulang padin 'yun sa tinagal-tagal na nawalay kami sa isa't-isa.

"Belle.." Aniya at hinaplos ang buhok ko. His eyes look so tense and scared. "Babalik ka sa akin, hindi ba?" he asked, looking worried and scared.

Tinignan ko syang mabuti at kitang-kita ko ang takot sa mga mata nya. Tumikhim ako pagkatapos ay ngumiti. Babalik at babalik ako sa kanya kahit na ilang ulit pa. A million times, I will still choose him and I will always come back.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon