Chapter 16

2.9K 123 4
                                    

Chapter 16

Mabilis na lumipas ang isang linggo sa buhay ko. Unte-unte akong nakilala ng mga tao bilang girlfriend ni Romeo at hindi na rin ako nabubully ngayon. Paminsan-minsan ay may naririnig parin ako lalo na sa mga babaeng nagbubulong-bulungan sa likuran ko pero medyo nasasanay na rin ako. Ngumiti ako pagkatapos ay isinara ang aking locker. Oo. Siguro nga, tama nga sila Cherry lilipas din 'to. Makakalimutan din to ng mga tao at di magtatagal ay babalik din sa normal ang buhay ko.

"Ang weird naman na nagustuhan sya ni Romeo. I mean, no offense but look at her. Hindi naman kasi sya maganda diba."

Lumunok ako pagkatapos ay muling binuksan ang locker ko at tumingin sa salamin na naroon. Oo. Alam ko namang hindi ako maganda. Sino ba kasing may sabing nagmamaganda ako? Hindi rin naman ako nagmamaganda. Tsk!

Umupo ako sa isang bench doon sa labas ng classroom para hintayin si Romeo. Kasama kasi sa kasunduan namin na kailangan ko syang hintayin para sabay kaming umuwi. Nang makita ko syang pababa ng hagdan mula second floor ay tumayo na ako. Matikas syang naglalakad papunta sa akin habang nagsasayaw sa mahinang ihip ng hangin ang malambot nyang buhok. Kumunot ang noo ko. It's so annoying how handsome he is.

"Let's go?" Nakangising sabi nya at kinuha ang kamay ko. Hindi na ako nagwelga lalo na ng makita ko ang ilang babaeng sinusundan kami ng tingin. Magiisang linggo na pero para bang hindi parin sila makapaniwalang totoo ito. Hindi parin sila makapaniwalang talagang girlfriend ako ng heartthrob sa school.

Wala ako sa sariling naglalakad kaya kamuntikan na akong matalisod. Mabilis na inilagay ni Romeo ang kamay nya sa balikat ko. Hinawakan ko ang dibdib ko sa kaba at sa gulat.

"Tss. Tignan mo nga ang dinadaanan mo. Idiot." Bulong nya at muling pinadulas ang kamay nya sa kamay ko para hawakan ito. Hindi ako umimik at tumungo-tungo nalang. Nagangat ako ng tingin sa kanya at nakikita ko mula rito ang mahahaba nyang pilik-mata. Okay. I admit. Kahit naman basura ang ugali ng taong to, gwapo naman talaga sya. Oo na. Bata palang kami ay gwapo na talaga sya.

Wala akong imik hanggang sa makauwi kami sa bahay. Dumiretsyo ako sa kwarto ko at nagbihis ng pantulog bago ibinagsak ang sarili ko sa kama. Nakatitig lang ako sa bubong ng kwarto ko at kung ano-anong insecurities na naman ang pumapasok sa utak ko.

Sometimes I always wonder why I am like this. Palagi ko nalang nilulunod ang sarili ko sa mga insecurities ko to the point na I started to pity myself. I hate it. Romeo makes me feel insecure to kahit wala naman syang ginagawa.

Pinikit ko ang mata ko at idinilat din 'yun ng marinig ang ilang ulit nap ag vibrate ng aking cellphone. Kinuha ko 'yun sa katabing mesa ng kama ko pagkatapos ay nakitang si Romeo ang tumatawag. Kumunot ang noo ko at sinagot 'yun.

"What?" bungad ko sa kanya.

I heard him smirked in the other line.

"Lagi ba talagang mainit ang ulo mo? Meron kaba?" tanung nya. Sumimangot ako.

"Kung wala kang sasabihin, I'm going to hung u-"

"Hey wait. I'm just going to ask you something." Aniya.

"Ano 'yun?"

"You're quiet earlier. Are you thinking of something? Are they bullying you again?" mahinang tanung nya. Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay muling tinignan ang cellphone ko kung talagang si Romeo 'tong tumawag. And yes, to my surprise, sya nga.

"Ano naman sayo kung tahimik ako?"

"I'm your boyfriend so I have a right to know." Aniya.

Nalaglag ang panga ko. Is this guy serious?

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon