Chapter 51

2.9K 104 26
                                    


Chapter 51


Lutang akong umuwi sa bahay pagkatapos non, hindi na ako nakapag concentrate pa sa iba kong klase dahil heto na naman, iniisip ko na naman sya. Sya na naman halos ang laman ng isip ko at nagkakanda letche-letche na naman ang systema ko. Wala na naman akong magawang tama. Wala na naman akong magawang matino. Heartbreak really sucks. Hindi ko alam kung kaylan ba matatapos ito. Oh, kung matatapos pa ba. Isa lang naman ang hiling ko, gusto kong bumalik sa buhay ko noon. Nung wala pa si Romeo. I want my life back again at hindi ko alam kung possible pa ba 'yun ngayon.

Sinara ko ang pinto ng kwarto ko pagkatapos ay binagsak ang sarili ko sa kama. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko pero mukha lang ni Romeo ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. This is the worst part about break-up. It is so hard especially because I still love him so damn much. Mahal na mahal ko parin sya at hindi ko alam kung matatapos pa ba ito. Even now, kahit na nasaktan nya ako ng sobra, I stil think that he's the only one for me. This is a very different pain sa naramdaman ko kay Kristof noon. This pain is so intense. So intense to the point na literal na nararamdaman ko sya sa lahat ng bahagi ng katawan ko.

Ngumiti ako kay Dom ng makita ko sya kinabukasan pagbaba ko sa hagdan. Lumapit sya sakin pagkatapos ay hinalikan ako sa pisnge. Sabay kaming naglakad sa mesa para kumain ng almusal. Atleast nakakakain na ako ng almusal ngayon. Pero minsan talaga ay madalas ko padin nakakalimutan. I always lost track of time. Nakakalimutan ko pa din kumain minsan. O kung kakain man ako, isang subo lang ayaw ko na agad.

"I'm waiting for Diego." Sabi nya pagkatapos ay nilagyan ng bacon, egg at toast ang pinggan ko.

"Is he still sleeping?" tanung ko pagkatapos ay kumagat nung toast.

Umiling-iling sya. "He's taking a shower."

Tumungo-tungo naman ako pagkatapos ay nagpatuloy lang sa pagkain. Mabagal akong ngumuya pagkatapos ay inilapag na din ang toast sa pinggan ko at uminom na ng tubig. Hindi ko manlang nakalahati 'yon.

"Belle.." Aniya

"Hmm?"

"Hindi ka ba magtatanung sakin?"

"About san?" nagtataka kong tanung.

"About samin ng Kuya mo? Simula nung nalaman mo na kaming dalawa, you didn't ask any questions. I'm just worried." Aniya.

"Worried saan?"

"...maybe, you don't like me for your brother?" Aniya

Nanlaki ang mata ko.

"What? Bakit mo naman iniisip yan?"

"Kasi hindi ka nagtatanung. Parang ayaw mong malaman. Naisip ko na baka hindi ka interesado, o kaya naman, ayaw mo. Ganun." Aniya.

Nalaglag ang panga ko habang tinititigan sya. Months ago, I knew about her relationship with my brother at totoo ang sinabi nyang hindi ako nagtanung. Ni, hindi ako nag-react. Siguro dahil nadin sa ang dami kong iniisip nung mga panahon na 'yun. Pero hindi ko alam na iisipin ni Dom na ayaw ko sya para sa kapatid ko.

"Dom. You are my bestfriend. Kung saan ka masaya, magiging masaya din ako para sayo."

"Pero-"

"Sinabi ko sayo noon. Ayaw ko sa kapatid ko para sayo simply because I've been him jump into one girl to another. Hindi sya nakokontento sa isa. Ayaw ko lang masaktan ka nya. Pero, ngayon nakikita kong seryoso sya sayo. Kilala ko si Kuya, alam kong mahal ka nya." Sagot ko.

Nakita ko kung paano pumula ang pisnge nya ng dahil doon.

"Sorry kung hindi ko kaagad sayo sinabi. Everything in my family is in chaos that time. My siblings are fighting. Pati parents namin nagaaway na. And then, nagkahiwalay kami ni Ryan.. and then si Diego." Mahinang sabi nya.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon