Chapter 33

2K 73 3
                                    


Chapter 33

"Romeo?" halos ibulong ko. Crap. Totoo ba 'to? Andito si Romeo?

Kaagad syang napatingin sa akin. Nakita ko kung paano nangislap ang mga mata nya ng makita ako. Naka pulang sweatshirt din sya at maong na pantalon. Nakasuot sya ng itim na vans at gulo-gulo ang kanyang buhok pero ang gwapo-gwapo nya padin.

"Hi." Aniya.

"Paanong.. Anong.." naguguluhang tanung ko.

"I told you I'll come and get you." Nakangising sabi nya. Halos malaglag ang puso ko ng dahil sa ngiti nyang 'yun. Napatakip sa bibig ang pinsan kong si Daisy dahil mukhang narinig nya ang sinabi ni Romeo. Lumunok ako pagkatapos ay napansing may dala nga syang bagpack.

What?Talagang sinundan nya ako dito?

Lumapit sya sa akin. Hindi padin ako makagalaw sa kinatatayuan ko at para bang nagkakaugat na ako dito.

"Anong ibig sabihin nung text mo sakin? Are you mad?" tanung nya. Hindi ako nagsalita. Para akong tangang nagagalit sa kanya kanina dahil hindi sya nagrereply sa mga text ko, yun naman pala ay papunta sya dito para puntahan ako. Lumunok ako. Shitbelle, ang babaw mo po. Bakit ka naman nagtext ng ganun sa kanya? Baka isipin nya ang clingy ko eh hindi naman kami. Shocks.

"What? Hindi ka ba masaya na andito ako?" Nagkamot sya ng batok. Inawang ko ang labi ko at akmang magsasalita pero walang lumabas na salita galing doon. Masyado ata ako na-shock sa mga pangyayari.

"Oh. Pano. Let's go? Let's grab some breakfast." Sabi ni Daddy ng nakangiti.

My cousins went crazy ng makita si Romeo. Mom and Dad introduces him as my friend and kuya Diego's bestfriend. Halatang interesado ang mga pinsan ko sa kanya. Lalo na habang nagkukwento si Mommy kung gaano kami ka close sa parents ni Romeo. Ngumuso ako habang pinagmamasdan syang pinapalibutan ng mga pinsan kong babae. At some point, I regret him being here. Nagiging center of attraction lang sya sa mga pinsan ko.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Rose.

"Ikaw ha. Hindi ka naman nagsasabi na may kaibigan ka palang ganito ka-hot. Tapos nakatira pa sa bahay nyo. Minsan kwentuhan mo ako about sa kanya." Aniya. Hindi ako sumagot. Wow.Biglang close na kami kaagad dahil kay Romeo?

Pero ilang sandali ay para bang nagising din ako sa katotohanan. Oo nga pala. Ganito naman talaga si Romeo. He's always attracts attention kahit nasaan sya. Also, he's the type of person that loves attention a lot. Wala naman akong dapat ipagtaka. Pero hindi ko maintindihan kung bakit naiirita ako. Wala kasing tigil ang pakikipagusap sa kanya nila Daisy, Rose, Emily at Grace. Ito naman si romeo ay walang tigil sa pag intertain sa kanila. Mga feeling close naman kaagad ang mga pinsan kong 'to.

Nauna akong pumasok ng makahanap kami ng restaurant na kakainan. Umupo sa harap ko sina mommy at daddy. Dinilaan ko ang ibabang labi ko ng tumabi sa akin si Romeo. Nag-unahan naman ang mga pinsan kong babaeng tabihan din sya. Hay nako.

"Malamang na bored ka sa bahay. Mabuti at sumunod ka dito." Dinig kong sabi ni mommy kay Romeo.

"Opo tita. Sana okay lang po na sumunod ako." Aniya.

"Oo naman no! Pamilya ka na din namin. Kung alam ko lang sana pala ay sumabay kana samin papunta dito sa Cebu." Sabi naman ni Daddy.

"Okay lang po Tito. May mga ginawa din naman po ako nung naiwan ako sa Manila. Kaya lang po may na-miss lang talaga ako asarin kaya napasunod ako dito." Sabi nya.

Nanlaki ang mata ko ng dahil doon. Uminom ako ng tubig na nasa tabi ko at tsaka ko naramdaman ang kamay nyang hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng table. Dahil sa kaba ay binawi ko ang kamay ko sa kanya at kaagad na kinurot 'yun.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon