Chapter 40

2.5K 114 20
                                    


Sorry. I was in a staycation with friends for a few days kaya walang update. Enjoy! 

-



Chapter 40

Nakakatawa na sa isang iglap ay nagbago nalang ang buhay ko bigla. Noon, ako lang si Belle na gustong palaging magisa at gustong hindi napapansin ng ibang tao. Ang gusto ko invisible lang ako sa mata ng lahat. Sobrang baba ng self-esteem ko at ni kakarampot na tiwala sa sarili ay wala ako. My life is so miserable at wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko.

Parang panaginip lang ang lahat at halos hindi padin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon sa buhay ko. I am happy. I feel like I couldn't get any happier. Pakiramdam ko ay wala nang mas sasaya sa nararamdaman ko ngayon. After all the pain and betrayal that I've been through, siguro ay paraan na ito ng Diyos para bumawi sa akin. I've been through worst, kaya nga naniniwala ako na deserved ko ang maging masaya ngayon. Yes. I deserved all of this.

Noong una ang akala ko ay pinagtritripan lang ako ng tadhana. Pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo nung bumalik si Romeo sa buhay ko. I hated him so much before at halos isuka ko ang buong pagkatao nya. Pero, surprise.. surprise.. Romeo Dimitri Mondragon is now my boyfriend. Alam ko medyo matagal bago ko narealized ang feelings ko para sa kanya pero umaksyon naman ako kaagad when I did. Nung nagtapat ako sa kanya, pakiramdam ko ay nawala ang isang napakalaking bato na nakadagan sa dibdib ko. I feel like that's the bravest thing I did in my life.

Romeo basically brings out the best and worst in me. He knows all my weakness and insecurities but he doesn't make fun of me or he doesn't use that against me. Instead, he supported me all the time. Hindi nya ako pinipilit sa mga bagay-bagay na hindi ako komportableng gawin. I admit. Romeo and I are two opposite person. We are totally opposite or different with each other. Romeo loves attention at kabaliktaran naman ako. Romeo is so good at expressing his feelings at kabaliktaran din ako. Pakiramdam ko nga ay wala kaming pagkakapareho sa isa't-isa but he's been very patient with me. No pressure. He wants me to take my time at 'yun ang ginagawa ko. Especially ngayon na hindi pa ako halos sanay na mayroon na nga akong karelasyon.

"R-romeo, malalate na tayo." Nahihirapang sabi ko.

"Yeah. Five minutes." Bulong nya sakin habang pinapaulanan ng halik ang leeg ko. Tinagilid ko ang leeg ko pagkatapos ay kinagat ang aking labi. Panay ang halik nya doon at kanina ko pa sya sinusuway dahil malalate na kami sa school. Argh. How did this happen? Pinuntahan ko lang naman sya dito sa kwarto para sunduin dahil sobrang tagal nyang bumaba.

"R-romeo. Five minutes are over."

"Hindi pa." Sagot at hinalikan ako sa labi. Napapikit ako ng dahil sa maiinit nyang halik na 'yun. Gusto kong tutulan ang mga ginagawa nya pero hindi ko naman magawa. Nalalasing ako sa bawat paghalik nya sa akin at pakiramdam ko ay nanghihina na ang buong katawan ko kapag hinahawakan nya na ako. Pakiramdam ko lahat ng lakas ko ay nililisan na ang katawan ko. It just so weird. Isang haplos lang galing kay Romeo ay nagkakanda letche-letche na ang systema ko.

"P-pano kong ma late tayo?" tanung ko. Nang maramdaman ang paghaplos nya sa likuran ko ay dumilat ako. Binalingan ko sya ng tingin at nakita ko ang lasing na lasing nyang mga mata. Parang nalalasing nadin ako.

God, he's so good looking. If looks could kill, baka matagal na kong patay.

"Kung wag na kaya tayong pumasok? We could make-out the whole day. Masaya 'yun." Suhestyon nya. Kumunot ang noo ko. Natawa sya pagkatapos ay malalim akong hinalikan sa labi.

"Romeo~" Halos ungol ko. Nanlaki ang mata ko doon at kaagad akong napatakip sa bibig ko. Crap. What was that sound? Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Romeo ng dahil doon. Uminit ang pisnge ko sa hiya pagkatapos ay mahina ko syang hinampas sa braso. Tumayo ako sa kanlungan nya at halos hirap na hirap ako sa panlalambot ng tuhod ko. Shit. Gaano ba ako katagal nakaupo sa kanlungan nya at para atang namamanhid ako?

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon