Chapter 35

2.4K 91 9
                                    


Chapter 35

Lumabas na din kami ni Romeo para kumain pagkatapos noon. Nakahawak sya sa kamay ko at natakot pa ako na baka makasalubong namin sila Mommy at Daddy sa ibaba kaya panay ang bitaw ko sa kanya.

"Relax." Bulong nya sa tenga ko. Tinignan ko sya ng masama pagkatapos ay sumakay na din kami ng taxi. Natatawa namang umiling-iling sakin si Romeo. Hindi ko talaga alam kung ano ang topak ng lalaking 'to at nag hilig-hilig akong asarin.

Dahil wala akong idea kung san kami pwede kumain ay pumayag na din ako sa unang restaurant na makita namin. Wala na din akong planong maginarte. Nagugutom na rin kasi talaga ako. Malapit lang ito sa beach at walking distance lang ito doon. Pumasok kami ni Romeo sa loob at kaagad naman kaming inasikaso nung waiter at pinaupo kami sa table for two na upuan.

Ginala ko ang tingin ko sa loob pati na sa view sa labas. Maaliwalas pa ang araw at parang ang sarap maglakad-lakad sa tabing dagat ngayon. Medyo maraming tao dahil karaniwan, ganitong oras lumalabas ang mga turista para mamasyal o maligo sa dagat dahil hindi na ganun kainit katulad kaninang umaga.

Kumain nadin kami ni Romeo pagkatapos naming umorder. Pinagmamasdan ko syang walang pakeng kumakain kahit na aware na aware ako sa mga matang napapatingin sa kanya. If a stare can kill. Sigurong patay na ako ngayon dahil sa matatalim na tingin sa akin ng mga babae dito sa loob ng restaurant.

Natapos ng kumain si Romeo pero ako ay kumakain parin. Mabagal kasi talaga akong kumain. Nagangat ako ng tingin sa kanya at nakita kong pinapanuod nya lang ako. Nilapag ko ang kutsara't tinidor ko pagkatapos ay kunot-noong tinignan sya.

"Why are you watching me?" tanung ko.

Nagkibit-balikat naman sya.

"Kasi tapos na kong kumain." Simpleng sabi nya.

Hindi ako umimik at nagpatuloy lang sa pagkain kahit na medyo naiilang ako sa panunuod nya. Nahuhulog ko tuloy minsan ung ulam tsaka 'yung kanin. Naririnig ko naman ang muntik halakhak nya ng dahil doon. Argh! This guy probably knew that he's affecting me and he's enjoying it.

"Haha. You're a mess." Dinig kong sabi nya pagkatapos ay kumuha ng tissue at pinunas sa gilid ng labi ko. Hinayaan ko lang syang gawin 'yun.

I hate to admit it but Romeo is actually super nice. Oo noon ay binu-bully nya nga ako pero alam kong hindi sya masamang tao. Katulad nga ng sinabi nya ay ginawa lang nya ang lahat ng 'yun para mapansin ko sya. The truth was, he was actually a sweet and caring person. Ayokong aminin pero sobrang na-touch ako sa ginawa nyang pagsunod sa akin dito sa Cebu. Hindi ko naman kasi akalain na magagawa nyang mageffort ng ganun para sa akin. Bigla ko tuloy naisip kung meron bang ibang babaeng nagustuhan si Romeo nung mga panahong nasa ibang bansa sya at nagaaral. When he like someone, does he always gave all out? Ganito ba talaga sya mag eeffort sa taong gusto nya. Does he like someone before me?

I'm not gonna lie and I have to say that I am curious of him. I am super curious kung ano ang buhay ni Romeo noon nung malayo sya sa akin. He basically knows kung anong mga nangyari sakin nitong mga nagdaang taon pero ako ay walang alam na kung ano sa kanya.

"What?" tanung nya ng mapansing nakatitig ako sa kanya.

"A-anung naging buhay mo noon simula nung huli tayong nakita?" tanung ko sa kanya.

Natigilan sya sa tanung ko at para bang hindi nya ine-expect 'yun. Inilagay nya ang isa nyang kamay sa kanyang baba pagkatapos ay ngumisi sa harapan ko.

"Why are you suddenly curious about my life?" tanung nya.

Uminit ang pisnge ko at nagiwas ako ng tingin.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon