Chapter 19
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko pagkatapos ay mabilis na ibinagsak ang sarili ko sa kama. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay bumuntong-hininga. What the fuck did just happened? Gumulong-gulong ako sa kama pagkatapos ay kulang nalang iuntog ang ulo ko sa pader ng ilang ulit. I don't know why the fuck did I let him kiss me like that. We're like French kissing for fucking twenty seconds hanggang sa hindi na ko makahinga. After he said 'Sorry' he actually started kissing me again at pumayag ako! Damn it! Pumayag ako!
Damn it Belle! What were you thinking!?
After that kiss things got a little bit awkward at hindi ko na maitaas ang ulo ko at hindi ko na magawang tumingin pa sa kanya pagkatapos. Umuwi kaming tahimik at hindi nagiimikan. Kulang nalang ay sigawan ko sya na bilisan naman ang pagpapaandar ng sasakyan nya dahil sa di ko malamang dahilan ay napakausad pagong nya sa pagmamaneho.
Pumikit ako ng mariin at inisip ang mga dahilan kung bakit nya ako hinalikan. Una, malamang, he's just so overwhelmed dahil sa pagkapanalo nila sa game. Pangalawa, baka gusto nya lang akong asarin katulad ng palagi nyang ginagawa. Pangatlo, he just caught up in the moment? Nadala lang sya? Nabubulag lang sya kanina?
Argh! Ewan!
Lutang akong pumasok ngayon. Mabagal akong naglalakad sa corridor habang tinatanaw ung mga janitor na nililinis at dinidiligan ang mga Bermuda grass na nakapaligid sa circle ng University. Wala pa akong nakikitang ni isang studyante dahil sa kadahilanang mag aala-sais palang ng umaga. Ang totoo nyan, halos hindi nga ako papasukin kanina ng guard dahil maaga pa daw at hindi ba bukas ang mga rooms. Ang sabi nya, ang basketball team palang daw ang nasa loob dahil may maaga silang practice pero nakiusap nalang ako at sinabi kong mayroon akong importanteng dapat kunin sa may locker ko.
Umakyat ako sa second floor kung saan andoon ang mga lockers namin. Bumuntong-hininga ako at inisip kong ano kayang gagawin ko dito ngayong alas dies pa ang una kong klase. Naisip ko kasi na magiging awkward kong magsasabay kami ni Romeo pumasok ngayon. Ayoko nga sya makaharap kaya ako pumasok ng maaga eh. Pero dahil magkasama kaming nakatira sa iisang bahay malamang ay magkikita talaga kami at malamang ay pipilitin nya akong sumabay sa kanya papasok. That will be so awkward. Anong sasabihin ko sa kanya habang nasa sasakyan kami diba?
Lumiko ako kung saan naroroon ang locker ng girls. Dinukot ko ang susi sa bulsa ko pagkatapos ay binuksan ang locker ko. Gulat na gulat ako at kaagad na napaupo sa lapag ng bumagsak sa akin ang sandamakmak na basang maduduming damit at basahan na hindi ko alam kung saan nanggaling. Napatakip ako sa bibig ko pagkatapos ay tinignan ang sarili kong basang-basa at sobrang dumi. Naiiyak akong nagangat ng tingin sa locker ko at inisip kong sino ang gagawa nun. Tumayo ako pagkatapos ay niyakap ang sarili ko habang isa-isang pinulot sa lapag ang mga basang-basang basahan na sumalampak sa akin ng marinig ko ang isang boses galing likuran.
"What happened to you?" Lumingon ako pagkatapos ay nakita si Kristof suot ang kanyang varsity uniform habang gulat na gulat na nakatingin sa akin. Nalaglag ang panga ko pagkatapos ay binitawan ang mga basang basahan na hawak ko.
"Ah. Uhm, I.. I don't know.. I opened my locker and.." halos mautal-utal ako. Pumikit ako at kinagat ang ibabang labi ko. Damn. Of all people, bakit si Kristof pa?
Kimunot ang noo nya pagkatapos ay binitawan ang kanyang gym bag at lumapit sa akin. Nagulat ako ng agawin nya sa kamay ko 'yun basang basahan na hawak ko.
"Who did this?"
Umiling-iling ako.
"H-hindi ko alam." Pumiyok ang boses ko.
Narinig ko ang buntong-hininga nya pagkatapos ay kinuha ang kamay ko.
"Come with me." Aniya.
Marereact pa sana ako pero nagsimula na nya akong hilain paalis doon. Nanlalaki ang mata ko habang halos na tumakbo lang makahabol lang sa malalaki nyang mga hakbang. Binalingan ko ng tingin ang kamay nyang madiing nakahawak sa kamay ko. May kung anong kumirot sa dibdib ko at nagsimula kong naramdaman ang paginit ng aking mga pisnge. Damn! Kristof is really holding my hand.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)
RomansaBelle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawala si Romeo sa buhay nya lalo na't nakatira pa sila ngayon sa iisang bahay. She was so certain that...