Chapter 57

1.8K 81 9
                                    


Chapter 57


Hina'y-hinay akong pumasok sa loob ng bahay. Nagdadasal ako na sana ay tulog na si Kuya Diego at hindi nya mapansin na wala pa ako. O kaya naman ay sana ay hindi pa sya nakakauwi. I will get in real trouble kapag nalaman nya kung san ako galit. Kuya Diego is really mad at Romeo at hindi ko alam kung anong dapat gawin para mawala ang galit nya dito. Romeo is his bestfriend for pete's sake!

Dahan-dahan kong sinara ang pintuan at pumikit pa ako ng dahil sa ungot nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala namang tao. Kinapa ko ang switch ng ilaw at binuksan 'yun pero kaagad ding napatalon sa gulat ng makita si Kuya Diego sa sink sa kusina na nakasandal habang umiinom ng tubig.

"Where were you, young lady?" mahina pero buo ang boses nya. Tumaas ang kilay nya sa akin. Sinimangutan ko naman sya dahil doon. What the heck? How did he not make any noise?

"Kuya! Bakit ka ba nanggugulat?" singhal ko sa kanya. Trying to brush off his question. Nakita kong umayos sya sa pagkakatayo pagkatapos ay inilagay sa sink ang baso na ginamit nya. Naglakad sya palapit sa akin at nagiwas naman ako ng tingin. Why is my brother so intimidating?

"I'm asking where were you? Alam mo ba kung anong oras na?" ulit nya. Ngumuso ako. It's already 11:30PM. Malamang nagtataka si Kuya dahil ngayon nalang ulit ako ginabi ng ganito.

"Just.. Just doing some stuff." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakita ko kung paano naningkit ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Kinilabutan ako ng dahil doon because I just realized that we have the same eyes.

"What stuff?"

Sumimangot ako.

"Why are you asking so many questions?"

"Why not? I'm your brother!"

"Yeah. So?" Umirap ako.

"So, back to my question, where were you?" ulit nya. Kinagat ko ang labi ko sa inis. Theres no way I'll tell him na galing ako kila Romeo. Gulo 'yun.

"It's personal! Why do you keep on asking, Kuya? Tss. Akyat na ako!" Sabi ko at tumakbo na papasok sa aking kwarto. Meron pa syang sinabi sa akin pero hindi ko na 'yun nadinig pa.

Kaagad kong sinara ang pintuan pagkatapos ay sumandal doon. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil kinabahan ako sa tanung ni Kuya sakin. He's so nosy at hindi naman sya ganun dati sa akin.

Sumalampak ako sa kama ko matapos kong mag hilamos at magbihis ng pantulog. Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos ay binuksan 'yun. Matamang bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari sa kanina at hindi ko maiwasang isipin kong sa paanong paraan kami magkikita ulit o kung kelan ba kami magkikita ulit. Romeo didn't get my number. Pagkatapos ng naging paguusap namin kanina ay nakatulog na sya habang nakayakap sa beywang ko kaya hindi kaagad ako makaalis. Hindi ko na magawang tumanggi lalo na ng makiusap sya sa akin. He asked me to stay hanggang sa makatulog sya. He said he can't sleep well simula nung nagbreak kaming dalawa. Naawa ako sa malalim at bloodshot nyang mga mata kaya hinayaan ko nalang sya hanggang sa makatulog na din sya.

I don't know what to feel. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, basta kanina nung nakakulong ako sa mga bisig nya, doon ko lang narealized sa sarili ko kung gaano ko sya kamahal. Matamang bumalik sa akin ang ala-ala naming dalawa noong mga panahong maayos pa kami. I miss him. I miss all of his kisses, I miss his touch. I miss everything about him. I miss him so much. Kung alam nya lang kung gaano katindi ang ginawa kong pagpipigil sa sarili ko para lang hindi sya takbuhin at yakapin. It hurts so much if you love and hate a person at the same time, if that person is your strength and weakness, if that person is your life and death.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon