Chapter 38

2K 94 9
                                    


Chapter 38


Hindi ko alam kung paanong nagagawa ni Romeo na tiisin ko ganito katagal. Magiisang linggo na ang pagiwas na ginagawa nya sa akin at pakiramdam ko ay ang tagal-tagal na. Nakatulala lang ako sa harap ng pagkain ko at halos hindi na makakain sa kakaisip. Palaging wala si Romeo sa bahay at sa di ko malamang dahilan ay hindi kami nagpapangabot dalawa. Talagang iwas na iwas sya sa akin. Hindi ko nga alam kung umuuwi pa ba 'yun. Isang beses sinabi sakin ni Kuya Diego na gabing-gabi na kung umuwi si Romeo at napaka-aga naman kung umalis na bahay kinabukasan. Ngumuso ako. Wow. He's really good at hiding at me, huh.

"Girl, ok ka lang ba?" tanung ni Cherry sa akin at siniko ako ng mapansin nyang nilalaro ko lang ang pagkain ko. Umiling-iling ako pagkatapos ay binaba ang tinidor na hawak ko. Ayaw ko na. Hindi na ko kakain.

"Ano bang nangyayari sayo? Magdadalawang linggo ka ng ganyan ah." Kumento naman ni Irene.

Hindi ako sumagot at tinignan lang sya. I tried callingRomeo this past few days pero hindi sya sumasagot. Ilang beses ko syang tinext pero hindi din sya sumasagot sa mga textko. Kahit gaano pa kahaba ang mga messages ko sa kanya ay wala paring sagot. Para na kong mababaliw kakaisip. Ang dami-dami kong gustong sabihin at linawin sa kanya pero paano ko gagawin 'yun kung panay ang iwas nya sa akin?

Bumalik kami sa klase pagkatapos noon. Wala kaming professor kaya naman halos puro daldalan lang ang mga kaklase ko, nilalaro ko ang cellphone ko saking kamay habang hinihintay si Romeo na sagutin ang mga text ko sa kanya kagabi pa, kagat-kagat ko ang ibabang labi ko dahil hanggang ngayon ay wala pading reply. Kahit dito sa University ay halos hindi ko sya makita. Nang magpunta naman ako sa classroom nila nung nakaraang araw ay sinabi sa aking exempted daw halos si Romeo sa klase dahil sa nalalapit na soccer tournament. Gusto ko man syang puntahan doon para makausap ay pinagbabawal naman ng coach nila makalapit ang mga hindi kasama sa praktis para daw makapag concentrate ang mga players.

Bumuntong-hininga ako. Is it over? Ayaw na ba talaga nya sakin?

Pumikit ako dahil hindi ko na namang maiwasang mag over think ngayon sa mga nangyayari. Ikababaliw ko ng malaman kong ano ang iniisip ni Romeo ngayon. I feel really worst right now. Hindi maganda ang nadudulot sa akin ng mga ganito. I've been betrayed almost all of my life at dahil doon ay nagkaroon ng takot sa puso ko na sa tuwing may darating na tao sa buhay ko ay magsasawa at iiwanan din nila ako bandang huli. I tend to overthink a lot at alam kong hindi maganda 'yun. But what can I do? I'm like this because I've been hurt so many times. I'm just trying to protect myself. I'm just guarding my own heart, I guess.

Nang mag bell na ay kinuha ko ang gamit ko para lumabas na ng classroom. Wala na akong klase pagkatapos nito at balak kong umuwi na ng diretsyo sa bahay para magpahinga ng maaga dahil balak ko gumising at hindi matulog buong gabi para abangan si Romeo umuwi mamaya para makausap sya. Nang lumabas ako ng classroom ay napako ang tingin ko sa isang lalaking nakatalikod sa akin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at halos patakbo syang nilapitan.

"Rome-"

Pero kaagad din ako natigilan ng humarap sya at nakita ko si Kristof. Nakangiti sya sa akin at nakapamulsa. Halos marinig ko kung paano nawasak ang puso ko sa disappointment ng dahil doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinintay si Kristof na makalapit sa akin.

"Hi." Aniya.

"H-hi. Anong ginagawa mo dito, Kristof?" tanung ko.

Nagkamot sya ng batok habang ang isa nyang kamay nya nasa bulsa nya parin.

"Wala lang. I just want to check on you kasi wala na kaming klase. M-may klase ka pa ba?" tanung nya.

Umiling-iling ako. Nakita ko naman kung paano nagliwanag ang mukha nya ng dahil doon.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon