Chapter 10

3.2K 96 4
                                    


Chapter 10

Dumating ang lunes at pumasok akong parang walang nangyari kahit sa lang totoo ay kabadong-kabado talaga ako. Buong gabi kong pinagisipan kong anu ang dapat kong gawin ngayon. Lumunok ako at lakas loob na naglakad sa hallway ng naka taas noo sa kabila ng mga bulong-bulungan at tingin ng mga estudyante sa akin. Parang nawala sa mga isip nila ang viral video ko habang nagco-confess kay Kristof. Ang pumalit, ang pagsasabi ng walang hiyang si Romeo na girlfriend nya ako at ang walang pakundangang magtutukaan naming dalawa sa hallway.

"After mag confess kay Kristof. Doon naman sa bagong transferee na gwapo na si Romeo. Seriously? Ano bang lakas ng loob meron ang babaeng 'yan?" Dinig kong sabi nung babae may maiksi at kulot na buhok.

Lumunok ako at piniling hindi nalang 'yun pansinin. Actually, Kagabi nga ay may na-formulate na akong plano. Una, hahayaan ko nalang mamatay ang issue at hindi nalang sila papatulan alam ko naman na sooner or later ay mawawala din yan sa isip nila lalo na kung magkakaroon na naman ng bagong issue sa isa sa mga estudyante dito sa Universty. Eh, halos araw-araw naman ay iba ang topic nila. Pangalawa, kung may magtatanung, sasabihin ko nalang na things didn't work out fine sa pagitan naming dalawa ni Romeo so we have to break up. Sasamahan ko nalang ng pang best actress na acting. Mabuti nalang pala ay nakasali naman ako sa theater play nung highschool kaya kahit papaano ay alam ko naman ay marunong naman akong mag-emote na kunte.

Ngumiti ako pagkatapos ay pinupuri na ang sarili ko. I need to look on the brighter side. Hindi magtatagal, huhupa din ang issue na 'to at babalik sa tahimik ang buhay ko. At kapag nangyari 'yun, kapag nakuha ko na ang katahimikang inaasam ko, nangangako akong hindi na talaga ako mapapansin ng ibang tao. Sisiguraduhin kong hindi na nila ako mapapansin 'yung tipong maiingit ung ibang hayop sa akin sa galing kong mag camouflage.

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay hinigpitan ang hawak sa strap ng aking bag. Pumasok ako sa una naming klase ng puno ng pag-asa at paniniwala na magiging okay din ang lahat.

Binalingan ako ng tingin ng mga kaklase ko pagpasok ko palang. Lumapit kaagad ako sa upuan ko at umupo doon.

"Oy. Kumusta?" Siniko ako ni Cherry. Binalingan ko sya ng tingin at nakita ko sa tabi nya ang nagaalalang si Irene.

Ngumiti ako. "I'm fine."

"Okay ka lang? Girl, you're not fine! May bagong issue tungkol sayo." Mahina pero may diin ang boses ni Irene.

"I know. I know."

"So totoo? Kayo ni Romeo?"

Nanlaki ang mata ko.

"Of course not!"

"So, hindi kayo? Bakit kayo naghalikan sa hallway? Ang daming nakakita! May mga pictures pa sa net, ah!" Aniya.

Pumikit ako ng madiin. Yes. I know. Nakita ko rin kagabi 'yung mga pictures na nagkalat sa internet ng tukaan namin ni Romeo. Sa totoo lang ay kinilabutan nga ako doon. Isa-isa kong binasa 'yung mga comments sa pictures na 'yun at pinang blo-block ang lahat ng mga nag comment ng masama at mga nag share. Pati ung nag post ng pictures ay bi-nlock ko rin.

"I know. I saw It too." Ngumuso ako.

"Okay lang sayo? Anung sabi ni Romeo?"

"Of course hindi okay sakin 'yun! Nakita mo ba 'tong eyebag ko?" tinuro ko sa kanya ang ilalim ng mata ko. "Ang itim hindi ba? Hindi kaya ako nakatulog kagabi kakaisip! Isa pa, anung sasabihin ni Romeo? Eh, wala namang paki 'yun!"

"Humingi ka kaya ng tulong sa kanya." Suhestyon ni Irene.

Tinignan ko sya ng masama. "Irene, hinding-hindi ako hihingi ng tulog sa taong 'yun!"

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon