Chapter 23

2.8K 109 8
                                    


Chapter 23

Pumasok kami sa klase pagkatapos noon. Pagkatapos ng unang subject ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko 'yun saking bulsa. Nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan ni Romeo sa screen. Patago ko 'yung inilagay sa ilalim ng aking mesa pagkatapos ay binasa.

Romeo:

Seriously, stop running from me. I'm not going to bite you or anything. I'm going to pick you up at lunch. Let's eat together.

Kumalabog ang dibdib ko ng dahil doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Damn. It's just a freaking text Belle! For Pete's sake!

Ako:

I'm sorry. I'll pass. I'm going to have lunch with my friends.

Nagkamot ako ng ulo pagkatapos kong maisend 'yun. I hope he'll just leave me alone for today!

Romeo:

I'm on the way.

Nanlaki ang mata ko at akmang rereplyan sya ng marinig ko ang isa kong kaklase na sinigaw ang pangalan nya. Kaagad akong napatingin sa pintuan ng aming classroom. Nakita ko kaagad syang nakasandal doon habang nakataas ang kilay. Damn, he's fast!

Tumayo ako sa kinauupuan ko pagkatapos ay nilapitan sya. Nakita ko kaagad ang mata nyang sinuyod ang buong mukha ko. Nakaramdam ako ng hiya kaya nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. What? Did I just avoid his gaze? Crap.

"Too late, I'm already here." Aniya at ngumisi.

"I said I'll pass today."

"Why?"

"I'm going to have lunch with Cherry and Irene. I promise them that I'm going to join them for lunch." Sabi ko at tinignan sya. It's a lie, though.

"But they're gone." Aniya.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko at nakitang wala na sila sa kinauupuan nila. What the? Nalaglag ang panga ko pagkatapos ay muling binalingan si Romeo at marinig ang nakakainis na ngisi nya.

"Let's go." Aniya at kinuha ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng dahil doon.

"Let go of my hand." Utos ko.

"We are at school, so you're my girl." Casual nyang sabi.

Kumunot ang noo ko.

"You said you don't care about the contract anymore. You said you don't want to pretend anymore!" Sabi ko.

Huminto sya at nilingon ako.

"Yeah. So, do you want to make this real?"

"What?"

"I said I don't want pretentions anymore because I want us real. So, do you want to make this real already?" Nakangising tanung nya pagkatapos ay tinaas ang kamay naming magkahawak.

Pumula ang mukha ko ng dahil doon. That's not what I meant! Baliw! Hinila ko ang kamay ko pagkatapos ay naunang naglakad sa kanya papasok ng canteen. Naririnig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi ko sya pinansin. Panay ang tawa nya sa likuran ko at naiinis ako ng dahil doon. Kahit kaylan talaga nakakainit ng ulo ang lalaking 'to.

"Asar talo." Aniya.

"Shut up."

Humalakhak sya.

"Bakit ang sungit mo?"

"Don't talk to me." Umirap ako.

"Meron ka ba?" Aniya.

"Shit ka!" sabi ko at kinurot ang balikat nya.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon