Chapter 67

1.5K 47 7
                                    


Last three (3) chapters!

--

Chapter 67

Laglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang isang matipuno at gwapong lalaking nasa harapan ko ngayon. Lumunok ako habang nakatitig sa mga mata nyang kamukhang-kamukha ni Romeo. Tito Caesar surely aged like wine, sobrang gwapo nya.

"Good afternoon." Panimula nya pagkatapos ay pinasadahan ako ng tingin. Lumunok ako pagkatapos ay napaaktras at hinila ang t-shirt ni Romeo na suot ko. Shit!

"Good afternoon din po." Sabi ko.

Bumuntong-hininga ako at halos sampalin ang sarili ko para lang magbalik ako sa ulirat. Grabe magama nga sila! Batang-bata pa ako nung huli ko syang nakita at hindi ko na sya mamukhaan noon, not until now.

"Belle? Malaki kana. A-ang mommy mo? K-kumusta sya?" Nagiwas sya ng tingin sa akin. Suminghap ako at pinagmasdan ang mata nyang nagiiwas ng tingin. Bumuntong-hininga ako at akmang sasagutin sya ng makita ko si Daddy sa likod ng utak ko. Kumunot ang noo ko sa kanya.

"My mom is okay. She's with my Dad." Matama kong sabi.

Mabagal syang tumungo-tungo sa akin.

Lumunok ako dahil madami akong gustong itanung sa kanya pero nagaalinlangan ako. Binuksan ko ng maayos ang pinto pagkatapos ay pinapasok sya sa loob. Nang makaupo sya sa sofa sa salas ay narealized ko kaagad kong anong katangahang ginawa ko. Shit! Sana ay hindi magalit sa akin sa Romeo. Pero hindi ko naman kasi maatim na hayaan lang syang nakatayo doon sa labas.

"Is Romeo in there?" Buo ang boses nya at nakakakilabot. Hindi kaagad ako nakasagot. Naglaro kaagad sa utak ko na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking minahal ng ina ko ng mahabang panahon.

"Andito ho sya pero tulog pa po, tito." Sabi ko. "Ikukuha ko po kayo ng maiinom." Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig para sa kanya. Panay ang singhap ako at naisip kong tama ba 'tong ginagawa ko. Siguro ay dapat ko nang gisingin si Romeo.

Bumalik ako sa salas at inilapag ang tubig sa center table sa harap nya. Nagpasalamat sya sa akin habang iniinom 'yun. Pinanuod ko lang sya. Nang mag angat sya ng tingin sa akin ay lumunok ako at nagsalita.

"Mawalang galang na po tito." Panimula ko. "Pero hindi naman po totoo hindi ba? Wala po kayong relasyon ng mommy ko." Matapang kong tanung. Hindi ko na alam kung saan na ako kumukuha ng lakas ng loob ngayon. Pero kasi, I want to know! Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng chance para itanung ito sa kanya. It's not that hindi ako naniniwala kay Mommy ng sinabi nya sa akin na walang namamagitan sa kanila ng Daddy ni Romeo pero gusto ko pading madinig mismo kay Tito Caesar ito.

Nakita ko ang gulat nyang ekspresyon nung una pero di kalaunan ay naglaro din ito. "Your mom is not a cheater, Belle. She will never do that to your Dad." Simpleng tugon nya sa akin.

Yumuko ako. "I'm sorry po. Gigisingin ko lang si Romeo." Sabi ko at akmang aalis pero nagsalita sya.

"I am sorry too. I am a mess, hija. Nahihiya akong humarap sa kahit na sino sa inyo. I ruined my relationship with my son, I took my wife for granted and now she wants to annul me." Naawa ako sa naluluha nyang mga mata. Parehas kaming nanahimik. I don't know what to say but he did this to himself so he must face all of the consequences of his actions.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Parehas kaming nagulat ng marinig ang boses na 'yun. Lumingon kami at nakita si Romeo na pababa ng hagdan at sobrang gulo ng buhok. Halata sa mata nyang kagigising nya lang.

Kaagad na tumayo si Tito Caesar at hinarap si Romeo. "Son.." sambit nya.

Mabilis ang paglalakad ni Romeo at kaagad akong hinablot at tinago sa likuran nya. Napasinghap ako sa gulat ng dahil doon.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon