Chapter 42

2.2K 99 3
                                    


Chapter 42


Ginusot-gusot ko ang mga mata ko ng magising ako kinabukasan. Kagabi ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil kinalaunan ay nakatulog na din ako. Hindi ko na alam kung anong oras umalis si Romeo sa kwarto ko pero ang sigurado ko ay nung nakatulog ako ay naroon padin sya. Yakap-yakap nya ako kagabi habang paulit-ulit nyang hinahaplos ang buhok ko and I feel like that's the most comfortable position ever.

Bumaba ako ng kama pagkatapos ay binuksan ang pintuan ng aking kwarto. Mabagal akong naglakad papuntang hagdan at bumaba doon. Wala pa ako sa kalagitnaan ay natanaw ko na kaagad si Romeo sa kusina. Tinagilid ko ang ulo ko at pinagmasdang mabuti ang magiliw na paggalaw ng balikat nya dahil sa pagluluto.

Nang mas lumapit ako sa kanya ay naamoy ko kung ano ang niluluto nya. Pancakes. Mukhang hindi parin nya napapansin na narito lang ako sa likuran nya. Ngumuso ako at niyakap sa patalikod. Mukhang nagulat sya sa ginawa ko dahil kamuntikan na nyang mabitawan ang sandok na hawak nya.

"Babe.." Aniya.

Ngumiti naman ako at mas niyakap sya ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang mga muscles nya sa likod at dibdib ng dahil doon. Damn. This freaking hot bad boy is my boyfriend! He's mine!

Hinawakan nya ang kamay kong nakapulupot sa bewang nya pagkatapos ay hinarap ako. Ngumiti sya pagkatapos ay muli akong dinala sa kanya at mas niyakap ng mahigpit. Ilang beses kong naramdaman ang maiinit na halik nya sa tuktok ng ulo ko.

"I love your surprise hugs, babe." Bulong nya sa akin.

Nagangat ako ng tingin sa kanya. Humilig naman sya at ilang beses akong hinalikan sa labi. Being kiss by my half-naked boyfriend is just so freaking good!

"Are you hungry?" tanung nya habang yakap-yakap ako.

Tumungo-tungo ako. Kinuha nya naman ang kamay ko at inakay ako papunta sa aming dining table.

"Wait here. Breakfast is almost ready." Nakangising sabi nya.

Ngumiti ako pagkatapos ay pinanuod syang nagpatuloy sa pagluluto habang tahimik lang na nakaupo. Masyadong nag coconcentrate si Romeo sa pagluluto at ako naman ay masyadong nag co-concentrate sa pagpapantasya sa kanya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong likuran nya at feeling ko gusto ko na naman syang lapitan at yakapin. I love hugging him. Masyado syang malaki para sa akin at kapag niyayakap nya ako, pakiramdam ko ay sobrang safe ako at walang mangyayaring masama sa akin. Ngumuso ako. Baka mamaya nyan, isipin ni Romeo na sobrang clingy ko namang girlfriend.

Nang matapos syang magluto ay kaagad syang lumapit sa akin. Dala-dala ang pancakes na niluto nya. Nilagyan nya ang pinggan ko pagkatapos ay hinalikan ang aking noo.

"Eat." Utos nya pagkatapos ay bumalik sa sink para ilagay doon ang mga pinaglutuan nyang kawali at santok. Hindi ako kumain at pinanuod lang syang isinusuot ang kanyang puting V-neck na t-shirt. He looks so manly when he did that. Kumagat ako sa pancake na niluto nya at nanlaki ang mata ko ng marealized na sobrang sarap nun. Damn. He's good at cooking. Bigla ko tuloy naisip na he'll be a good husband especially for someone like me na walang alam sa kusina. Should we get married? Argh! I want to marry him!

Biglang lumingon sakin si Romeo at ngumiti, bigla naman akong nagbalik sa katotohan. Why the fuck am I thinking about getting married to him? Geez.

"Masarap ba? Papasa na ba akong mister mo?" tanung nya, parang nabasa ang nasa isip ko. Pumula ang pisnge ko at kaagad na nagiwas ng tingin. Okay lang ba? Pakasal na kaya tayo ngayon? Char.

"Si Kuya Diego?" tanung ko, pagiiba sa usapan.

Naglakad naman si Romeo palapit at umupo sa harapan ko.

My Brother's Bestfriend (Bad Boy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon