~•A true friend is someone who knows there's something wrong even when you have the biggest smile on your face.•~
-Anonymous
*ANGELA'S POV*
(Brent, 'wag ka nang mag-alala. Ayos lang naman ako eh, maayos naman ang pakikitungo sa'kin ni Bryle.) sobrang bigat ng aking pakiramdam habang binibigkas ko ang mga salitang 'yon dahil kabaliktaran no'n ang tunay kong nararamdaman.
[Hindi ako naniniwala sayo. Pupuntahan kita, aalis ka na diyan!]
Alam kong tutol siya sa pananatili ko dito sa bahay ni Bryle dahil alam niya ang ugali nito, minsa'y wala itong kontrol sa sarili lalo na kapag galit na galit ito.
Nakita ko na yun noong mga nakaraang gabi ng pananatili ko rito pero ganun pa ma'y wala na akong magagawa pa, nakasanla na ang buhay ko at buhay ni inay sakanya.
(Ano ka ba, Brent? Hindi na kailangan, ginusto ko 'to kaya dapat kong panindigan ang mga bagay na pinasok ko, wala narin naman akong magagawa ehh may malaki kaming utang sakanya at patuloy na nadadagdagan 'yon kaya kailangan ko bayaran ang lahat ng pagkakautang ko sakanya.)
[Bayaran? sa paanong paraan? Sagutin mo nga ako Angela, sa paanong paraan mo siya binabayaran, sa mga pananakit niya ba sayo hah? Magtapat ka nga sa'kin Angela, sinasaktan ka ba niya?]
Totoo nga ang sabi nila, hindi nagkakamali ang instinct ng mga lalaki at sa pagkakataong ito'y tama siya pero kailangan ko munang magsinungaling, kailangan ko muna magpanggap, kailangan ko muna isan'tabi ang katotohanan para maitago ang hindi niya dapat malaman.
(Hindi Brent! hindi niya ako sinasaktan, 'di ba nga sabi ko okay lang ako kaya 'wag ka na magalala diyan.) dumeretso ako sa garden ng bahay kungsaan tahimik at walang tao, tamang lugar para maging pribado ang pag-uusap namin.
[Shit! naman Angela, huwag ka na nga magmaang-maangan. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari hindi ako naniniwala na magiging maayos pa ang pakikitungo niya sayo, ihanda mo na lahat ng gamit mo, susunduin na kita diyan.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...