---------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------
°°°May isang eksena sa buhay ko na kailanman ay hinding-hindi ko malilimutan. Lagi itong nagpapakita sa mga panaginip ko. Hindi ito tumitigil na para bang hindi ito mawawala hanggang sa hindi ako nababaliw. Minsan nakaiinis at nakaiirita, dumating din ako sa puntong gusto ko na lang magpakamatay upang matapos na ang bangungot, ngunit sa huli'y napagtanto ko na hindi ito epektibong solusyon kundi isa lamang kabaliwan. Hanggang sa lumipas ang mga araw, buwan, at taon ay nasanay na rin akong kasama ito.
Bata pa lang ako ay mulat na ang mga mata ko sa isang marahas na realidad. Saksi ako sa pang-aabuso at pananakit ng ama ko sa kanyang asawa, sa aking ina. At ang mga tagpong iyon ang nagpabago sa pananaw ko bilang isang lalaki, na sa buhay mag-asawa, sino nga ba ang may mali o may kasalanan kung bakit nasisira ang isang pamilya? Ang lalaki na nananakit ng kanyang kapareha o ang babae na pinipiling lumayas at iwan ang pamilya niya?
Sa buong buhay ko, akala ko'y matagal ko na itong nasagot, ngunit nandito ulit ako ngayon at bumabalik sa sarili kong tanong. Hinubog ng ama ko ang aking isipan sa isang bagay na lalaki dapat ang siyang laging nasusunod, lalaki lang ang laging tama, lalaki lang ang malakas at may karapatan, at lalaki ang siyang dapat nakaupo sa ulo ng kanyang asawa. Dapat ay napasusunod niya ito sa sarili niyang kaparaanan at kung hindi ay may kalayaan siyang gamitin ang kanyang kamay na bakal upang mapaamo ito.
Sa loob ng mahabang panahon ay ito lagi ang itinatatak ko sa aking isipan. Binago nito ang buhay ko sa isang katauhan na kung ano ako ngayon, ngunit ito rin ang nagtuwid sa akin bilang isa mabuting tao, anak, asawa, at ama. May isang mapangahas na taong nagturo sa'kin na babae raw ang pinakamalakas sa lahat taliwas sa sinabi ng aking ama at sinabi niya na wala ako ngayon kung wala sila.
Nandito ako ngayon at bumabalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Baka rito ko mahanap ang sagot sa aking tanong. Umaasa ako na kapag nahanap ko ang kasagutan ay matatapos na rin ang bungungot, na magagawa ko na ring makawala sa dilim at sa sugat ng kahapon, at magawang makapamuhay ng maligaya.
•••
-Possessive Nights (Obsession Series #1: Angela Brix Ignacio)
“The absence of happiness makes the hatred exist.”
By:LoveUUUnot---------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...