-------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------3 years later........
Hawak ang isang maleta, nakatayo si Bryle sa harap ng glass window ng airport. Palubog na ang araw kaya hindi niya inaksaya ang pagkakataon na tanawin ang malawak at patag na kalupaan kung saan tumutubo ang mga pinong damo. Hinahayaan niya lamang ang sinag ng araw na tumama sakanyang katawan.
Ang sakit at kalungkutan na namayani sa mga dumaang bagyo ang siyang nagbigay ng pagbabago sa kanyang buhay bagamat ang bawat araw na dumaan na wala si Angela sakanyang tabi ay parang araw na walang liwanag.
Natatanaw niya mula sa kanyang kinatatayuan ang paglipad at pagbaba ng mga eroplano.
Tatlong taon.
Matagal na panahon narin mula nang umalis siya at iniwan ang lahat ng mga masasamang nangyari pero parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil patuloy siyang sinusundan ng bangungot ng kanyang masakit na nakaraan. Hindi niya alam kung paano ito tatakasan, hindi siya matahimik, patuloy siyang ginugulo nito. Marahil nandito ang kasagutan o baka nasa kanya mismo.
Tatlong taon siyang namuhay sa parusa ng kalungkutan.
Tatlong taon ng pagluha.
Pagdadalamhati.
Pagdudusa.
At tatlong taon ng pagkakadurog ng kanyang puso.
Maraming nangyari sa tatlong taon na lumipas.
Dahil sa pagkamatay ng kanyang ama'y sakanya naiwan ang responsibilidad na hawakan ang kanilang kompanya. Dito niya iginugol ang oras niya maliban sa paginom ng alak at paghahanap sa sarili kaya hindi nakapagtataka kung bakit naging matagumpay ang OXCO sa kanyang pamamahala at ngayo'y kasalukuyang namamayagpag sa Europa.
Pinikit niya ang kanyang mga mata. Ito ang lagi niyang ginagawa upang madama niya si Angela sa tabi niya kahit na hindi masukat na distansya ang layo nila sa isa't isa.
Sa pagpikit niya'y doon dumaloy ang kahuli-hulihang luha na ibubuhos niya.
'Lagi kitang iniisip sa pagtulog ko.'
'I miss you! '
'I miss the way you hold my hand so tight.'
'I miss the way you looked into my eyes.'
'I miss every special moments we shared.'
'I miss your kisses and hugs.'
'I miss our little conversations that we spent time together.'
'I miss your tender love and care and everything that you felt for me.'
'I miss you, Angela. I love you.'
'Gusto ko hawakan ang mga kamay mo ng sobrang higpit para malaman mo kung gaano ako sobrang nangungulila sayo.'
'Gusto kong tignan mo ng deretso ang mga mata ko para malaman mo kung gaano kita gustong mayakap at mahalikan.'
'Gusto kitang yakapin para malaman mo ang sinasabi ng bawat pagtibok ng puso ko.'
'Our body might be a trillion light years away from each other but our love stays close only an inch.'
Sa oras na buksan niya ang kanyang mga mata kasabay nito ang muling pagbubukas ng panibagong kuwento sa kanyang buhay. Kuwento ng bagong pagibig para sa taong naiwan niya.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...