CH.67 This Time

4K 45 1
                                    

~•It takes special kind of woman to accept an apology she never got, but truly deserves. It's incredibly hard for her to give love a second chance, after she's built walls. With all she has been through, she has decided that the cheap love of her past doesn't define her as a woman. The fact that she is still standing is proof that no man has the right to ruin her idea of love. Her past is ugly, but look at how beautiful she has decided to be.•~

-Joey Palermo







*TRIXIE'S POV*






Patapos narin ang pagaayos sa'kin ng mga make up artist na hinire ko sa talent agency na pinapasukan ko. Magagaling sila dahil ilang buwan ko narin silang nakakatrabaho. Kapag subok mo na ang isang bagay masasanay ka na kung paano sila magtrabaho at pakisamahan. Parang one-sided love, masakit sa una pero hindi magtatagal masasanay ka rin.

Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok dito si dad. Yinakap niya ako mula sa aking likuran at pinagmasdan ako mula sa salamin.

"You really looked like your mom." he said teary eyed.

"Kung nandidito ang mom mo, siguradong sobrang saya niya seeing you wearing this white gown na minsan niya ring sinuot nang ikasal siya sa'kin." dad.

Alam kong nandito lang si mommy sa tabi ko, nakangiti at masayang pinanonood ang anak niya sa isang paglalakbay tungo sa pinakamasayang yugto ng kanyang buhay.

"I can feel her, dad. I know she's watching us wherever she is." Dad smiled bitterly.

"I want you to be happy, so let yourself to be happy too. This is what you want, this is day that you waiting for."

"Thank you, dad. Thank you for always supporting me sa lahat ng gusto ko kahit na mali, kahit na hindi tama." naiiyak na 'ko sa pagkakataong ito.

Kumuha naman si dad ng tissue at agad na pinunasan ang luha sa mga mata ko. "Tiyaka ka na umiyak, baka masira pa ang ayos mo niyan." natawa ako sa sinabi niya.

"Are you ready, my daughter!?"

Tumayo ako at yumakap sakanya. "I love you, dad."

Hinatid niya ako palabas ng aming mansion kung saan naghihintay ang isang limousine na siyang maghahatid sa'kin sa Milan Cathedral. Sasakay si dad sa kotse niya at sasamahan naman ako ng wedding organizer at chauffeur(driver) papunta sa simbahan.

Nagwave pa si dad sa'kin bago siya naunang umalis, napangiti naman ako dahil nakikita ko sa mukha niya na sobrang saya niya katulad ng nararamdaman ko ngayon.

Habang bumabiyahe ay biglang nagsalita ang chauffeur. "Congratulations, Ma'am!" bati nito sa'kin.

Sa halip na sagutin ay inirapan ko siya dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya na parang nakakabastos.

Ilang saglit pa'y kumunot ang noo ko nang mapansin ko na parang nagiba ang direksyon namin. Hindi ko ito pinansin noong una dahil baka nag-shortcut lang siya para makaiwas sa traffic pero ilang minuto na ang nakalilipas ay wala parin kami sa simbahan. It just takes 30 minutes for us to go to Milan Cathedral but we've been traveling for almost an hour pero hindi parin kami nakakarating sa destinasyon namin, doon na 'ko nagtaka at kinompronta ko na ang nagdadrive ng sasakyan.

"Saan mo ba ako balak dalhin, hah? Hindi mo ba alam na ilang minuto na akong late sa kasal ko!!!?" galit na sabi ko sakanya.

"At ikaw!!!" buwelta ko sa wedding organizer na katabi ng chauffeur. "Kukuha ka na nga lang ng driver yung tatanga-tanga pa. Kung hindi alam ng driver na 'to kung saan siya dapat pumunta, ikaw nalang sana ang nagbigay ng direksyon sakanya. Pareho kayong mga stupido at stupida, arrrgh!!!" I groaned.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon