CH.58 Heartache

3.6K 56 1
                                    

~•Never get tired of doing little things for others. Sometimes those little things occupy the biggest part of their hearts.•~

-Anonymous







After 2 months.........




*ANGELA'S POV*



Mahigit isang buwan na 'ko nandito sa ospital at sobrang inip na inip na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi parin nila ako inuuwi sa bahay e okay naman na ako. Ang dahilan nila baka daw kasi pabayaan ko na naman daw ang sarili ko.

Alam ko naman na hindi ko na pababayaan ulit ang sarili ko lalo na ngayon na magkakaanak na 'ko. Lahat ng ginagawa ko sa sarili ko ay nagre-reflect sa batang dinadala ko ngayon kaya kailangan kong magdoble ingat.

Isang buwan narin ang nakalipas matapos mangyari ang gabing iyon. Inaamin ko nalulungkot parin ako kapag naaalala ko 'yon, may kirot parin sa puso at may mga pagkakataon na umiiyak nalang ako ng mag-isa sa tuwing maaalala ko siya pero nandito naman si inay at ang mga kaibigan ko para ipa-realize sa'kin that life is too short to spend time with grief and sorrow.

Atleast kahitpapaano may dahilan na ako para mabuhay, may dahilan na 'ko para sumaya ulit. Marahan kong hinaplos ang tiyan ko na unti-unti nang lumolobo habang lumilipas ang mga araw. This past few weeks I started to felt strange feelings like morning sickness, mood swings, and I even started to crave a certain food, kawawa nga sa'kin si Shan dahil siya lagi ang napag-iinitan ko.

Mahirap pala magbuntis, mahirap kasi first time ko na magdala ng bata sa sinapupunan ko pero buti nalang nandito si inay para gabayan ako, marami siyang itinuturo sa'kin tungkol sa pagiging ina tulad ng mga pwede at bawal gawin kapag nagbubuntis, busog na busog ako sa pangaral sakanya.

"John Amber ang magiging pangalan mo kapag labas mo. Ang daddy mo ang nagpangalan sa'yo niyan." nakangiting sabi ko habang kinakausap ko ang baby ko.

Madalas ko gawin ito lalo na kapag wala akong kasama, sabi ni inay normal lang daw iyon gawin para lumaking masunurin ang bata paglabas niya na marunong makinig sa magulang.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang bigla kong maalala si Bryle, nakakalungkot lang isipin na lalaki ang anak ko na hindi nakikilala ang ama niya. Nandito naman sila Xavier, Wayne, Blood at Blaze para tumayong mga ama niya pero iba parin kung si Bryle. Iba parin ang kalinga ng tunay na ama.

Alam at ramdam ko ang pakiramdam ng walang ama. Ramdam ko ang pangungulila at pagkukulang sa buhay ko pero unti-unting nawala ang pakiramdam na 'yon dahil hindi ako pinabayaan ni inay, siya ang tumayong ina at ama ako. Sinikap niyang punuuin ang pagkukulang sa buhay ko at ganun din ang gagawin ko sa magiging anak ko, mamahalin ko siya sa abot ng aking makakaya.

Kinuha ko ang binigay na laruan ni Xavier sa baby ko, isa itong mini tambourine. Pinatunog ko ito sa harap ng tiyan ko.

Speaking of Xavier, kanina ko pa siya hindi nakikita, kahit sila Shan at inay. Nasaan na ba nagpunta ang mga 'yon? Nagpaalam sila kanina na may pupuntahan lang sila pero bakit ang tagal naman yata nila?

"Haiist!!! Sabi ko 'wag sila magtatagal e."

Dumaan ang ilang minuto pero hindi parin dumadating ang isa sa kanila kaya napagdesisyunan ko na lumabas nalang ng kuwarto para hanapin sila. I walk across the passageway going to the hall then I saw an array of people talking at the front of faculty room. Namukhaan ko agad si Shan at si inay, nandun din sila Xavier at Wayne.

Anong ginagawa nila do'n?

Kausap nila ang doctor. Malamang pinag-uusapan nila ang pagbubuntis ko pero napansin ko na parang umiiyak si inay habang inaalalayan ni Shan. They look so devastated while the doctor is talking to them.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon