CH.13 That Woman

6.7K 89 0
                                    

~•Women are meant to be love, not to be understand.•~

-Oscar Wilde




*XAVIER POV*

"Array ko po!!! Ang sakit." daing ko habang naglalakad papunta sa bahay ko.

Hindi ako makapaglakad ng mabuti at para akong tanga na nakahawak sa pagkalalaki ko.

Siraulo na babaeng 'yon.

Kapag ako hindi nagka-anak lagot talaga siya sa'kin. Ipapahanap ko siya at ako mismo ang magkakapon sakanya.

Leche!! Bakit sa'kin pa nangyari 'to?

Nasiraan na nga ako ng kotse tapos may nakasalubong pa akong isang amazona.

Arrayy!! Ang sakit talaga.

"Sir!! Anong po ang nangyari sa inyo!?" salubong sa'kin ng driver ko nang makarating ako sa tapat ng bago kong bahay.

"Pwede ba bago ka magtanong tulungan mo muna ako." wala talagang kuwenta 'tong driver ko.Mas inuna niya pang intrigahin ang amo niya sa halip na tulungan.

Inalalayan niya naman ako papasok ng bahay.

"Arrrggh, Ang sakit." naka-tingin ito sa'kin habang inaabutan ako ng isang baso ng tubig.

"Sir. Ano po ba'ng nangyari dyan!?" he asked while he's pointing my manhood.

Nakahawak parin ako dito dahil masakit parin talaga. Napalakas yata ng sipa ang babaeng 'yon.

Ano ba'ng problema niya at pati junjun ko dinadamay niya?

Galit ba siya sa junjun ko? Ano bang ginawa ng junjun ko sakanya.

Haissst!

"May naka-salubong lang akong amazona diyan sa daan, badtrip nga nga e."

Napatawa ito sa sinabi ko.

Anong nakakatawa? Bayagan ko kaya siya nang maramdaman niya kung ano ang nararamdaman ko.

"Talaga sir!? Mukhang napalaban po ang junjun niyo, ah." inirapan ko siya.

Nagawa niya pang magbiro sa kabila ng pinagdadaanan ko.

"Natalo ba sir!? Haha." tinignan ko na siya ng masama pero patuloy parin siya sa pang-aalaska sa'kin."Hindi ba kinaya ng junjun mo, sir!? Haha."

"May you please shut up!" sabi ko.

Tumigil naman ito pero makikita parin sa mukha niya na natatawa parin siya.

Hindi ko nalang siya pinansin at baka mas madagdagan pa ang init ng ulo ko.

Ibang klase ang babaeng 'yon. Ngayon lang ako naka-encounter ng babaeng kaya ako sabihin ng masasamang salita at pagbintangan na snatcher, holdaper, killer and worst, she even called me rapist.

That woman is definitely a sadist. 

Hindi niya yata alam kung sino ang binabangga niya. Ako lang naman si Xavier Djon Moller, owner of multi-billion company although it wasn't mine yet pero mapapasakin din 'yon.

"Sabihin mo nga, do I look like a maniac!?" inis na tanong ko sakanya.

Tumingin siya sa'kin at pinagmasdan ako pero hindi niya ako sinagot.

Linakihan ko siya ng mata at tinuro naman nito ang bibig niya.

How stupid he was!?

"Sige na, you may speak now!"

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon