CH.25 The Rivals

4.6K 80 2
                                    

~•There are times when we must be hurt in order to grow, we must lose in order to gain, because some lessons in life are best learned through pain.•~

-Anonymous




*ANGELA'S POV*



Papunta ako ngayon sa ospital kung saan naka-confine si inay. Ang bilis dumaan ng mga araw at ngayon ay weekend na naman. Bago ako umalis ay sinimulan ko munang taniman ng punla ang garden ni Xavier. Tatlong klase ng bulaklak ang tinanim ko, mga bulaklak na masasabi mong nakakawala ng stress o lungkot.

"Buhay ka pa pala!" salubong sa'kin ni Shan.

Ilinapag ko ang mga dala kong pagkain bago ako dumeretso kay inay. Yinakap ko siya at hinalikan sa noo. "Na-missed kita, inay. Na-missed mo din ba 'ko?"

"Isang linggo kang wala, girl. May paa ka naman pero hindi ka naman dumadalaw, may cellphone ka hindi ka naman tumawag. Tapos tatanungin mo si Aling Isabel kung nami-missed ka niya, malamang mised na missed ka na niyan." sermon ni Shan sa'kin habang kinakalkal ang mga dala ko.

Kung alam niya lang ang sitwasyon ko baka siya mismo piliin nalang magpakatiwakal kaysa maghirap.

"Alam mo naman ang sitwasyon ko 'di ba?" sabi ko sakanya. Nag-usap na kami tungkol dito at ayoko nang pag-usapan na naman namin, baka kung ano pa ang masabi ko sakanya.

"Saan ka ba kasi talaga nagtatatrabho? Nahihiwagaan na 'ko, hah. Baka ilegal na 'yan, beshie. Kung ako sayo ngayon palang itigil mo na." kahit kailan talaga napaka-exaggerated niya mag-isip. As if naman na gagawa ako ng ilegal, kahit gipit na gipit ako ni minsan hindi pumasok sa isip ko na gumawa ng masama.

"Tigilan mo ka-papanood ng telenovela, hah. Iba na 'yan." Lumapit siya sa'kin habang subo-subo niya pa ang banana-que na dala ko.

"gxhqvuxjnsi." sabi niya na hindi ko maintindihan. May laman pa kasi ang bibig niya kaya hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niya sabihin. Babaeng 'to talaga, napaka-garampang.

"Ano!? Lunukin mo muna kasi 'yan bago ka magsalita." sabi ko sakanya.

Lumunok muna siya bago ito nagsalita. "Speaking of telenovela, si Brent pala."

Si Brent? Missed ko narin ang ugok na 'yon.

"O, anong meron kay Brent?" tanong ko.

"May gusto daw siya sabihin sayo kaso hindi ka daw niya ma-contact."

Gusto sabihin? Ano naman 'yon? Pipilitin naman ba niya akong umalis sa bahay ni Bryle? Pero hindi e, nagkaayos na kami tungkol doon.

"Ano daw ang sasabihin niya? Hindi ba niya sinabi sayo?" ako.

Palibhasa'y naging abala ako nitong mga nakaraang araw kaya siguro hindi ko nasasagot ang mga tawag niya. Naku sigurado nagtatampo na naman 'yon.

"Wala siyang nabanggit sa'kin, basta may gusto lang daw siya sabihin sayo." Shan.

Bigla tuloy ako napaisip? Ano naman ang sasabihin niya sa'kin at bakit hindi niya nalang pinasabi kay Shan? Mukhang napansin ni Shan na bigla akong natahimik.

"Mabuti pa tawagan mo nalang nang makapag-usap kayo, mukhang seryoso ang sasabihin niya sayo e at para hindi ka narin mag-isip ng kung anu-ano diyan." sabi niya.

Mukhang tama si Shan. Baka nga importante ang sasabihin niya na kami lang dalawa ang dapat na makarinig.

"Sige, tatawagan ko nalang siya." sabi ko.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon