~•Some say its painful to wait someone. Some say its painful to forget someone. But the worst pain comes when you dont know whether to wait or forget.•~
-Anonymous
*ANGELA'S POV*
Abot hanggang tenga ang ngiti ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Ito na ang pinakahihintay kong araw. Ang araw kung saan muling magtatagpo ang mga landas namin ni Bryle. Habang nakatingin ako sa salamin, muling bumalik sa'kin ang mga araw na nagdusa ako sa mga kamay niya, sa kamay ng taong mahal ko. Bumalik sa alaala ko ang mga sampal, suntok, sipa, sabunot at ang mga raw na tinapakan niya ang pagkatao ko. Masakit, mahirap at nakakatakot mabuhay sa kadiliman pero sabay namin 'yon tinakasan ni Bryle. Sabay naming inabot ang liwanag sa pamamagitan ng pagmamahalan namin.
Wala na ang mga pasa at sugat ko sa katawan. Unti-unti naring humahaba ang putol kong buhok na siya mismo ang gumupit. Bumabalik narin ang dati kong katawan. Malaki na ang pinagbago ko. Si Bryle kaya, nagbago narin kaya siya katulad ko?
Kung nagbago man siya, kung malaki man ang magbago sa aming dalawa, sigurado ako na hinding-hindi magbabago ang pagmamahal namin sa isa't isa. Nararamdaman ko parin siya, nadadama ko parin ang pagmamahal niya, pakiramdam ko'y nasa malapit lang siya at naghihitay sa pagdating ko.
Hindi nagtagal ay bumaba narin ako sa sala kungsaan naghihintay ang mga kaibigan ko. Una kong nakita si Xavier at Brent na agad na napako ang tingin sa'kin nang makita nila ako.
Nginitian ko sila. Ang gwapo nilang dalawa. Hindi ko ba alam kung bakit hindi ko sila nagustuhan e kung tutuusin mas mabuti pa silang maging asawa kaysa kay Bryle. Pero hindi, mahal ko ang asawa ko kahit anong mangyari, kahit barumbado siya mahal ko 'yon. Kapag mahal mo ang isang tao, dapat mahalin mo siya ng buo, mahalin mo ang lahat ng tungkol sakanya maganda man ito o hindi.
Dumako naman ang tingin ko kay Shan at inay na may hawak ng isang malapad na box. Nakatingin din sila sa'kin na maluha-luha pa ang mga mata nila. Lagi silang ganyan, lagi nila akong iniiyakan. Pa'no pa kaya kapag nawala na ako, baka isang baldeng luha ang ilabas nila.
Si Wayne, si Blood at si Blaze, sila na ang kasama namin ni Bryle mula umpisa at hanggang ngayon nasa tabi parin nila kami. Sila ang masasabi ko na mga tunay na kaibigan. Wala akong kailangan na hindi nila naibigay, wala akong pinasukan na problema na hindi nila ako tinulungang lusutan. Gaya ng sabi ng iba, masasabi mong tunay na isang kaibigan ang isang tao kung itinuturing ka nilang parang tunay nilang kapatid o kasintahan. Para silang poste na pwede mong hawakan o sandalan sa oras na nahihirapan ka.
Ang mga taong ito ang bumuo sa pagkatao ko. Hindi kumpleto ang buhay ko kung wala sila. Being here wouldn't be possible without them. They might be the static character in this story but their contribution to helped the protagonist to win the battle makes the story successful and priceless. Buong buhay kong tatanawin bilang utang na loob ang mga naitulong nila sa'kin kahit nasa kabilang buhay na ako.
Sinalubong ako ni Shan at inay ng isang mainit na yakap nang makababa ako sa hagdan. Ang higpit ng yakap nila sa'kin.
"Ito na ang hinihintay mo anak. Hindi na ito isang panaginip o ilusyon, totoo na 'to." mangiyak-ngiyak na sabi sa'kin ni inay.
"Matutupad na ang kahilingan mo sa'min, beshie. Magkikita pa kayo ni Bryle at mabibigyan mo pa ng buong pamilya ang anak mo gaya ng gusto mo." sabi din ni Shan.
"Oo nga e! Hindi na 'ko nananaginip, hindi na ako nagiilusyon. Totoo na 'to, muli na namang maglalapit ang mga mundo namin ni Bryle at sa oras na mangyari 'yon hindi ko na siya pakakawalan pa. Yayakapin ko siya ng mahigpit para hindi na siya umalis sa tabi ko."
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...