~•My heart was taken by you, broken by you, and now it is in pieces because of you.•~
-Anonymous
Flashback Part 4
*ANGELA'S POV*
"Kailangan nang ma-operahan ng nanay mo, Angela." bumubuhos ang aking mga luha habang pinakikingan ko ang sinasabi ng doktor tungkol sa kalagayan ng inay ko. "We detected some signs of contusions in your mother's brain and that's not a good sign."
"C-contusions!? Ano po 'yon, doc?" kunot noong tanong ni Shan.
"A contusion could be caused by direct damage to the head, where a bruise is bleeding on the brain." sagot ng doktor.
"Malala po ba 'yon!?" tanong uli ni Shan.
"Unfortunately, yes! Kung hindi siya maooperahan kaagad maaari 'yon mag-cause ng infection sa utak ng pasyente na maaaring magpalala sa kalagayan niya." pikit mata kong pinakikinggan ang mga sinasabi niya. Wala akong marinig na mabuting balita, puro masasama ang natatanggap ko mula sakanya.
"Malaki ba ang chance na gumaling ang nanay ko kung mag-a-undergo siya ng operasyon?" tanong ko.
Patuloy parin ako sa pag-iyak habang masinsinang nakatingin sa doktor, hindi ko alam kung kaya ko pang pakinggan ang mga sinasabi niya tungkol sa kalagayan ng inay ko. Maging si Shan ay lumuluha narin.
"I'll be honest to you, Angela." he took a deep sigh before he speak. "Probably no, 50-50 lang ang chance na maari siyang maka-survive sa operasyon. We don't have advance technology to support your mother's life unlike in other countries, they do have advance machineries and equipments for any kind of medications that's why I recommend to you to transfer your mom in other hospitals abroad. I guess, you don't wanna risk your mother's life. Angela, mas malaki ang chance na maka-survive ang inay mo kung sa abroad mo siya ipapagamot."
Yinakap ko si Shan habang patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko. Parang nauubos ang lakas ko sa lahat ng naririnig ko mula sakanya. Alam ko na kailangan ko maging matatag sa mga ganitong sitwasyon pero ang hirap-hirap.
Hinigpitan ko ang yakap ko kay Shan.
"Angela, kaya natin 'to! Kakayanin natin 'to! Basta kailangan lang natin maging matatag." mangiyak-ngiyak na sabi ni Shan.
"Paano, Shan? Pa'no?" basag na tugon ko. "Paano ako magiging matatag? Baon na kami sa utang, ubos na ang lahat ng ipon namin, malala na lagay ni inay tapos wala pa si Bryle. Pinipilit ko naman maging matatag, Shan...pero kahit anong gawin ko gumuguho talaga e."
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...