CH.46 Revelation

4.9K 67 1
                                    

~•I’m not somebody who will go out of my way to hurt somebody when I love them. I’m somebody who will go out of my way to get hurt for the people I love.•~

-Anonymous




*SHAN'S POV*


Hindi ko alam kung nakailang ikot na ang eye balls ko sa tuwing titingin ako sa babaeng nasa harapan namin ngayon.

Ewan ko ba, kahit mala-anghel ang mukha niya naaasiwa parin ako sa pagmumukha niya. Mas lalo lang tuloy nasisira ang araw ko, hindi na nga namin mahanap-hanap si Angela tapos bigla pang susulpot ang impaktitang 'to, nakakainis. Kung legal lang ang manakit malamang matagal nang pinagpipyestahan ng mga langaw ang katawan nito sa gitna ng EDSA Boulevard.

Hmp.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito? Alam mo ba na pinapatay sa lugar na 'to ang mga kabet na katulad mo." pranka na sabi ko sakanya.

Hindi ko parin malimutan yung araw na nahuli ni Angela si Bryle na kalandian ang hitad na 'to sa mismong kama pa nila. Imagine, ikaw na asawa uuwi ka sa bahay mo tapos madadatnan mo ang mister mo na may kalampungan sa sarili mo pang bahay. Kitang-kita ko kung paano nagdalamhati si Angela noong gabing 'yon, pagod na pagod siya sa paghahanap ng solusyon sa mga problema nila tapos ganun pa ang madadatnan niya.

Yumuko ito at hindi nalang nagsalita. Mukhang hindi naman siya interesado sa'kin, malamang iba ang sadya niya kung bakit siya narito.

"Why are you here?" tanong sakanya ni Wayne.

"Kung hinahap mo si Bryle, sasabihin namin sa'yo na ilang araw narin namin siya hinahanap dahil nakasisigurado kami na siya ang dumukot kay Angela." seryosong sabi sakanya ni Xavier.

Nakakainis 'tong babaeng 'to! Wala ba siyang balak magsalita? Kung ganun ano ang pinunta niya dito?

"Ano? Bakit 'di ka magsalita?" mataray na puna ko sakanya.

"Hindi ako nandito para hanapin si Bryle." sagot niya.

"E anong balak mo gawin dito? Siguro gusto mong guluhin ang paghahanap namin kay Angela 'no?" galit na sabi ko sakanya.

Hindi na nga namin alam kung saan lupalop namin hahanapin si Angela tapos makikigulo pa 'tong isang 'to.

"Hindi ganun!" pagtanggi niya.

"E ANO!!?" nagtaas na 'ko ng boses.

"N-nandito ako para tumulong." para akong nabingi sa narinig ko. Kahit sila Wayne at Xavier mukhang nabigla din sa sinabi nito.

Tutulong?

Si Trixie Clamora A.K.A Kabet ng Taon, tutulungan kami?

Ano na naman ba'ng pakulo 'to?

"Haha. Nagpapatawa ka ba? Ikaw?.........tutulong? What a joke?" sabi ko.

Iba rin ang trip ng bruhang 'to e.

"I'm serious, I just wanted to help. Gusto ko rin naman mahanap si Bryle." sabi niya.

Nagkatinginan kami nila Xavier at Wayne ganun din sila Blaze at Blood.

Hindi pwede 'to. Sa mga sitwasyong ganito, hindi dapat kami basta nagtitiwala lalo na sa mga taong konektado kay Bryle. Hindi namin alam na baka pinadala siya ni Bryle para guluhin ang paghahanap namin kay Angela.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon