CH.20 Tragedy

5.6K 82 3
                                    

~•We are products of our past, but we don't have to be prisoners of it.•~

-Rick Warren



*ANGELA'S POV*

"XAVIIIIIIIEEEEEEEER!!!! 'WAAAAGGG!!" sigaw ko.

Gusto ko nang umiyak sa mga oras na 'to pero napigil iyon nang bigla siyang tumawa. "Hahahaha."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tumingin sakanya.

May kinuha siya sa taas ng compartment, damit yata iyon.

Umalis siya sa harap ko at sinuot ito.

"Haha. Ano ba'ng nangyayari sa'yo!?" natatawang tanong niya.

"A-Akala k-ko!?" hindi parin ako makapag-salita ng maayos dahil meron parin natitirang kaba sa dibdib ko.

Para akong aatakihin sa puso dahil sakanya.

"Akala mo may gagawin akong masama sayo!?"

Yung ang akala ko, pero akala lang pala 'yon.

"Hahaha!" tawa niya ulit.

Lumabas na naman akong kahiya-hiya sakanya. Masyado akong nag-assume.

Hindi ako makatingin sakanya ng deretso dahil nahihiya talaga ako, gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon.

"Bakit!? Gusto mo ba!?" nanlaki ang mata ko at napatingin sakanya.

"Ayaw!" I said while I'm shaking my head.

Bumalik siya sa kitchen at kumuha ng plato at kutsara, linagay niya ito sa lamesa.

Nananatili lang ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw. Parang lumilipad parin ang isip ko.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalagay ito ng kanyang linuto sa bowl, linapag niya ito sa gitna ng lamesa.

"Haha. Bakit nandiyan ka pa!?" tanong niya.

"A-e...Oo nga. Bakit nga ba nandito pa ako!?"

Ano ba Angela! Umayos ka, sobra na ang kahihiyang ginagawa mo. Enough na.

Inayos ko ang sarili ko at sumunod sakanya sa dinning table. Hinila niya ang upuan at sinenyasan akong umupo.

Nakatitig lang ako sakanya. Nawawala na naman ako sa sarili ko.

"Umupo ka." sabi niya.

Pumunta siya sa tabi ko at hinawakan ang magkabila kong braso, ipinaupo niya ako sa upuan.

Nang maka-umupo ako ay umupo narin ito.

"Sorry, N-Nahihiya kasi ako sayo!?" sabi ko.

Hindi naman kasi ako sanay na ako ang pinagsisilbihan, tapos isang billionaire pa ang gumagawa nito sa'kin.

"'Wag ka mahiya." nagsandok siya ng pagkain at inilagay ito sa plato ko. "Ngayon, hindi ka muna katulong...sabihin nalang natin na bisita kita at ang bisita, pinaghahandaan 'di ba."

Tumingin ako sa pagkain na linagay niya sa plato ko. Amoy palang ulam na.

Tinignan niya ako. "Ano pa'ng hinihintay mo, judge it."

"Ano'ng pangalan nito!?" tanong ko.

"Wala, nag-experiment lang ako."

Kinuha ko ang kutsara at tinikman ito.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon