CH.43 His Greatest Fear

5K 74 3
                                    

~•It is not the bruises on the body that hurt. It is the wounds of the heart and the scars on the mind.•~

-Aisha Mirza



*ANGELA'S POV*


Gunting

He started to untie me. Wala narin naman silbi ang mga tali na 'yon dahil sa itsura ko ngayon siguradong hindi ko na magagawa pang tumakas.

Hindi na kayang tumayo ng mga paa ko. Manhid narin ang aking buong katawan.

After he unbound my both hands, he grabbed my hair and pull me going at the front of a massive-size mirror. He grabbed my jaw firmly and pilit na pinatingin sa salamin.

I winced.

I automatically bursted in tears when I saw my own reflection in the mirror. Nanlulumo ako sa itsura ko ngayon, I cant even recognize myself dahil halos balutin ako ng mga sugat at pasa.

"This is the kind of beauty that I want you to possess. Thank me for doing this to you because I made you stunningly beautiful."

Siguro nga ganito niya ako gusto makita, puno ng sugat at pasa sa katawan. Hindi naman siya ang gumawa nito sa'kin e, kundi ang kasamaan at galit sa puso niya, 'yon lang ang dahilan kung bakit nandidito kami ngayon.

"Kahit ano pa'ng maging itsura ko, sigurado ako na marami parin tao ang magmamahal sa'kin. They love me for who I am and not because of myself image." ngumiti ako para lalo siyang mabuwisit.

"Hahahaha. 'Wag ka muna magsalita ng tapos, thing aren't done yet. Mas papagandahin pa kita lalo, then lets see kung may lalaki pang magkagusto sayo." bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

Ano na naman ba ang binabalak niya gawin sa'kin? Hindi pa ba siya tapos.

Tumingin ako sa kamay niya. Nakita ko na may hawak siyang gunting. Hindi ko alam kung saan niya gagamitin iyon hanggang sa namalayan ko nalang na unti-unti niya nang ginugupit ang buhok ko.

Hindi ako makapag-salita dahil pinangunahan na ito ng mga luha. Kitang-kita ko mismo ang pagkahulog ng bawat hibla ng aking buhok sa sahig.

Balak niya talagang kuhanin sa'kin ang lahat.

Hindi ko alam kung kaya ko pa makita ito kaya pumikit nalang ako ng mariin. Mas doble lang ang sakit na matatamo ko kung panonoorin ko pa kung paano niya tuluyang dinudungisan ang katawan ko.

Hindi ako makaramdam ng pisikal na sakit dahil lahat ng 'yon ay sinalo ng isip at puso ko. Parang nakalimutan niya na babae lang ako.

Nang maramdaman ko na wala nang gumagalaw sa buhok ko ay unti-unti ko nang minulat ang mga mata ko. 

Napatakip nalang ako sa bibig ko at tahimik na umiyak. Parang ibang tao ang nakikita ko ngayon sa salamin. Hindi na ako si Angela. Ni hindi ko makita kahit isang bahid ng sarili ko sa taong nakikita ko ngayon sa salamin na 'to.

"Patayin mo nalang ako, Bryle. PATAYIN MO NA LANG AKO!!!" sabi ko sakanya.

Mag gugustuhin ko pang mamatay kaysa pagdusahan ang lahat ng 'to. Mas lalo lang akong masasaktan at mas lalo lang madadagdagan ang mga kasalanan niya.

Hirap na hirap na 'ko.

Pagod na pagod.

Ubos na ubos.

Ayoko ko na.

"'Wag ka excited, lahat naman tayo doon papunta, mas mapapaaga ka nga lang, hahahahaha!!!" nagbigay siya ng isang malakas na halakhak bago niya ako iniwan na nakasalampak sa sahig. "Nga pala. Ikamusta mo nalang ako kay Lucifer, hah." sabi niya pa bago ito naglakad pupunta sa pinto.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon