~•If you are not big enough to lose, you're not big enough to win.•~
-Walter Reuther
*ANGELA'S POV*
"Uh, Ang sakit ng ulo ko." sabi ko habang madiin kong minamasahe ang aking sentido.
Parang pinaghalong jet lag at hangover ang nararamdaman kong head pain ngayon. Baka dahil ito sa nangyari kagabi.
Bigla akong natulala nang bigla kong maalala kung paano ako pinahirapan ni Bryle. Bumalik sa alaala ko ang mga sabunot at malalakas na sampal na aking natamo mula sakanya, maging ang paulit-ulit na paghampas niya sa'kin sa kotse ay sariwang sariwa pa sa aking isipan.
Gusto kong isipin na sanhi lamang ng pagod at init ng ulo kaya niya nagawa 'yon pero hindi ba't sobra naman yata?
Kailan ma'y hindi ko inisip na magagawa niya ang mga bagay na 'yon sa'kin pero ano ba'ng alam ko?
Halos dalawang taon din ako nawala. Marami nang nagbago sakanya. Hindi na siya yung dating Bryle na nakilala ko dahil ang Bryle na kilala ko hindi ako kayang saktan.
Natigil lamang ako sa pag-iisip nang mapansin ko na malambot ang hinihigaan ko, agad akong napatingin sa paligid.
Bakit ako nandito?
Bakit ako nasa kwarto?
Paano at sino ang nagdala sa'kin dito?
Sa pagkakatanda ko'y nawalan ako ng malay sa labas matapos ang mga nangyari kagabi pero paanong.....
Saglit akong napaisip.
Ako at si Bryle lang ang tao dito sa bahay, malabo rin na ibang tao ang nagdala sa'kin dito dahil hindi naman ugali ni Bryle na magpapasok ng ibang tao sa pamamahay niya.
Hindi kaya.
Hindi kaya si Bryle ang nagdala sa'kin dito?
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.
Hindi ko maiwasang hindi kiligin lalo na sa tuwing iisipin ko kung paano ako dinala ni Bryle sa silid na 'to and take note, hindi niya ako dinala sa storage room dahil nandito ako ngayon sa lounge kungsaan talaga dapat natutulog ang mga katulad kong katulong.
Nakapagtataka naman yata, parang kagabi lang halos gusto niya na akong patayin sa sobrang galit tapos bigla nalang siya naging concerned sa'kin.
Hindi kaya nauntog 'yon kaya bigla nalang siya naging concerned sa'kin o baka naman biglang siyang binisita ng konsensya niya.
Haissh! He really puzzling my mind.
He's so unpredictable.
Masakit man ang ulo at katawan ko'y pinilit ko paring bumangon para magtrabaho baka kasi biglang dumating si Bryle at magalit na naman dahil hindi ko inaayos ang trabaho ko.
Papunta ako sa kusina nang may narinig akong lagaslas ng tubig sa gripo at kulansing ng mga kutsara sa dining table.
'Bryle!?'
Si Bryle agad ang naisip ko dahil kami lang naman dalawa ang tao dito sa bahay pero anong oras na? At this time, he supposed to be in office.
Hindi ba siya pumasok dahil sobrang nag-aalala siya sa'kin kaya naisipan niyang magluto at ipaghanda ako ng masarap na pagkain?
Haiist. Ano ba 'tong iniisip ko? Imposible at hinding hindi niya gagawin 'yon sa'kin.
Tumuloy ako sa kusina upang makita kung si Bryle nga ba ang naroroon at para matuldukan narin ang mga haka-haka ko.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...