CH.61 Unintentional Sin

3.3K 36 0
                                    

~•The minute you stop making mistakes is the minute you stop learning.•~

-Miley Cyrus







*TRIXIE'S POV*



He never changed.



He's still the Bryle I know.



Ang tanging lalaki na minahal ko at patuloy kong minamahal.

Yes, I lied.

Hindi totoo na nakalimot na 'ko, hindi totoong tanggap ko na wala na kami, hindi totoo na kaya ko na siyang bitawan, hindi ngayon na alam kong wala na si Angela sa buhay niya.

Call me desperate, call me hopeless romantic, tatanggapin ko. 'Yon ako e.

This is my second chance to be part of his life.......again. I know it's hard for him to forget Angela but time will come na siya na mismo ang makakalimot at magpapalaya sa sarili niya at kapag dumating ang araw na 'yon sana kaya niya na akong mahalin.

Pinanonood ko lang siya habang linulunod ang sarili niya sa alak. Para siyang uhaw na uhaw sa tubig kung tunggain niya ang hawak niyang baso ng brandy.

He looks so fragile. Para siya pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura niya ngayon at ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkakaganito dahil sa mga kasinungalingan na sinabi ko sakanya.

I have no intention to hurt him, I just want him to come round na hindi na sila magkakasama pa ni Angela. Kung hindi ko ginawa 'to patuloy lang siyang masasaktan.

"Bryle, I think that's enough." I tried to get his glass but he just took it away from me. Ayaw niya magpaawat kanina pa.

"Don't stop me, bitch. I badly need a lot of alcohol in my body. Na-missed ko 'to ng sobra. Ano bang ginagawa mo diyan, Trix? Bakit hindi ka umiinom, come on...join me!" sabi niya bago niya muling binuhos sa bibig niya ang isang baso ng alak. "Ahh!"

Pinaikot ko ang aking daliri sa bibig ng baso na hawak ko habang nakatingin ako sakanya.

"Ang bilis niya rin maka-move on, 'no? Mukhang hindi naman siya nahirapan sa pag-alis ko e, masaya siya habang ako eto.....nabubuhay na naman sa kalungkutan, nasasaktan, umiiyak sa sakit na ako mismo ang nagbigay sa sarili ko." sabi niya habang umiiyak.

Alam ko ngayon niya palang nailalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya and I'm willing to listen. Ako lang ang nasa tabi niya ngayon, ako lang ang maaring dumamay sakanya.

"Alam mo ba, I always asking my self...naiisip niya pa kaya ako? Naaalala? And now, I know the answer, hindi na ako ang nasa isip niya dahil may bago nang lalaki sa buhay niya. It really sucks, put*ngina!!!" he cursed.

Hindi ako kumibo, nagpatuloy lang ako sa pakikinig sakanya.

"Siya ba iniisip niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Tinatanong niya kaya kung kamusta na 'ko? Kung nakakain ba 'ko ng maayos, at nakakatulog ng mahimbing sa gabi? Tell me, Trixie.....may pakialam pa ba siya sa'kin?" inis niyang sinabunutan ang sarili niya.

"Alam kung ano ang mas masakit? Hindi ko magawang magalit sakanya o kay Xavier 'cause I choose to be here, ginusto ko 'to, ginusto kong lumayo sakanya, ginusto ko na ipaubaya siya sa ibang lalaki." he breathed heavily, barag na barag siya ngayon. "Ang tanga-tanga ko 'di ba? I'm so stupid." he laughed in grief.

Nabigla ako nang bigla niyang ipinatong ang kamay niya sa balikat ko. "Tell me, Trixie....ang tanga-tanga ko 'di ba?"

Linapitan ko siya at hinaplos ang kanyang likod. "No, Bryle. You're not. Hindi katangahan ang ginawa mo, pinili mo siyang iwan para iligtas siya. Sakripisyo ang tawag sa ginawa mo at alam ko na maiintindihan ka niya dahil minsan niya narin itong ginawa."

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon