CH.50 The Search

3.8K 49 3
                                    

~•It takes courage to love, but pain through love is the purifying fire which those who love generously know.•~

-Eleanor Roosevelt




*BLOOD'S POV*



"ANG PANGET MO!!!" sigaw ni Blaze kay Shan.

"GWAPO KA NGA BABAERO KA NAMAN!!!" sagot naman ni Shan kay Blaze.

"YUN NA NGA E, GWAPO AKO KAYA MADAMING BABAE ANG NAGKAKANDARAPA SA'KIN!!!" mayabang na buwelta ni Blaze.

"SUS, BWAAAAAHH!!! NAKAKASUKA!!!" sabi naman ni Shan na umaakto na parang nasusuka.

"'WAG MO SABIHIN HINDI KA NAI-INLOVE SA'KIN!!!?" confident na tanong ni Blaze kay Shan.

"SAYO!!!? NO WAY!" Shan na parang nandidiri pa sa pinagsasabi ni Blaze sakanya.

"Aaaarrgh!!!" halos idiin ko na ang dalawa kong kamay sa magkabilang tenga ko. Parang mababasag ang eardrums ko sa lakas ng bangayan ng dalawang ugok na 'to.

Hindi ba sila pwede mag-away sa ibang lugar, pagtulog na nga lang ang hobby ko iniistorbo pa nila, mga buwisit sa buhay.

"YES WAY!!! BAKA NGA INI-IMAGINE MO PA AKO SA PAGTULOG MO E." sabi pa ni Blaze na hindi talaga magpapatalo.

"HOY!!! HINDI AH, ANG BERDE NG UTAK MO, KAINIS KA! BUWISEEET!!!" Shan.

Agad na dumilat ang mata ko sa narinig ko mula kay Shan.

"Berde!!!" bulong ko sa sinabi niya.

Narinig ko na ang salitang 'yan dati.

"Berde!" sabi ko ulit habang inaalala ko kung saan ko ba narinig ang salitang iyon.

'Pagkatapos ng lahat ng problemang 'to, gusto ko mag-relax kasama ang asawa ko.' sabi sa'kin ni Bryle habang nagmamaneho ito papunta sa ospital. Sumabay na 'ko sakanya dahil sa bahay nila ako natulog kagabi.

'Sana nga matapos na ang lahat ng problema niyo, malalagpasan niyo rin ang lahat ng 'to, nandito naman kami nila Wayne para tulungan kayo ni Angela.' sabi ko sakanya para palakasin ang loob niya.

'Sana nga!' siya.

'Saan mo nga pala siya balak dalin!?' tanong ko sakanya.

'Gusto ko siya dalhin sa isa sa pribadong isla namin sa Batangas.' sagot niya habang naka-ngiti.

'Saan do'n!? Sama naman ako.' ako.

'Hays, 'wag na men, manggugulo lang kayo do'n, magrerelax nga kami 'di ba.' siya.

Ako, manggugulo!? Hindi 'no, matutulog lang ako do'n, baka sila Blaze, oo.

'Sus, ang sabihin mo ayaw mo lang magpaistorbo sa chuchu niyo (honeymoon).' biro ko.

'Haha, exactly.' natatawang wika niya.

'So, saan nga 'yon!?' tanong ko ulit sakanya.

'Sa Isla Berde!'


"ISLA BERDE! Tama! Sa Isla berde." sabi ko. Bumangon ako sa kama sabay sinuot ang tsinelas ko.

Hindi na ako nag-abala na magsuot ng short, naka-boxer lang ako na lumabas ng kuwarto at mabilis na dumeretso sa sala kung saan nandoon ang mga kasama ko.

"Guise!" I caught their attention.

Tumingin naman silang lahat sa'kin mula head to toe.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon