CH.54 Lighthouse

3.3K 52 1
                                    

~•Give a man a free hand and he'll run it all over you.•~

-Mae West



*WAYNE'S POV*


"HINDI MO LANG SIYA PINAHIHIRAPAN, DINALA MO PA SIYA SA KAPAHAMAKAN." galit na saad ni Xavier kay Bryle.

Hindi pwedeng ganito lang ang mangyari sa'min lalo na mga oras na 'to na nasa panganib si Angela. Kailangan ko na mamagitan sa kanilang dalawa.

"Xavier, enough!" pag-awat ko kay Xavier na patuloy parin sa paninisi kay Bryle.

Sa tingin ko hindi naman ginusto ni Bryle ang nangyari, nakikita ko sakanya na nagsisisi na siya sa mga nagawa niya.

"Hindi, Wayne!!! Ipinamumukha ko lang sa PUTAN*INANG D*EMONYONG 'TO KUNG GAANO SIYA KASAMANG TAO." sabi pa nito habang dinuduro si Bryle na nakaupo lang sa isang tabi. Hindi niya pinapansin si Xavier o pinapatulan, and that's very uncharacteristic for someone who used to be irresistible.

"But this is not the right time to do it....if you want to blame him do it whenever you want pero 'wag lang ngayon, what we need to do right now is to save Angela from danger, she's in risk for God's sake." hindi na nakapagsalita pa si Xavier pero nagpahabol ito ng isa pang kataga.

"Kapag may nangyaring masama kay Angela, pasensyahan tayo. Magkamatayan na kung magkamatayan pero sisiguraduhin kong magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo sakanya." pagkatapos niya sabihin iyon ay tumahimik narin siya sa isang tabi bagamat mababatid parin sa mukha nito ang pagkamuhi kay Bryle.

Tulad kanina'y wala parin pagbabago kay Bryle, tulala parin siya at walang kibo. Tahimik ngunit patuloy na umaagos ang luha sa gilid ng kanyang mata, nangangahulugan lang iyon na sobra siyang nag-aalala kay Angela.

Totoo na ba talaga ang lahat ng pinapakita mong ito Bryle? Nagbalik ka na nga ba talaga sa dati? Nalikha ang mga tanong sa isip ko habang pinagmamasdan ko si Bryle.

"Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam kay Angela?" bulong ni Blaze sa'kin na pinagmamasdan din pala si Bryle. Lahat kami ay pare-pareho ng iniisip.

"Kailangan na natin kumilos agad. Hindi pwedeng tumanga lang tayo dito, kailangan natin mag-isip ng paraan kung paano natin maililigtas si Angela." sabi ni Blood sa aming lahat. "Siguradong gagawin ni Tito Emmanuel ang banta niya." dagdag pa niya.

"Banta!?" napatingin kaming lahat kay Bryle nang bigla itong magsalita. "A-anong banta!?" tanong niya kay Blood.

"Sa tingin niya si Angela ang sumisira at gumugulo sa buhay mo kaya binantaan niya kami na papatayin niya si Angela sa oras na makita niya ito." sagot ni Blood.

Napaupo si Bryle sa sahig. Mas lalong nagulo ang utak niya, parang hindi siya makapaniwala na nangyayari itong lahat sa isang iglap.

"Hindi 'to maari. Hindi ko hahayaang patayin niya si Angela." iyinukom nito ang mga kamay niya. "Dadaan muna siya sa mga kamay ko bago niya magawa ang binabalak niya."

Muling bumabalik ang Bryle na kilala ko na matapang at hindi marunong magpadaig.

Sarkastikong ngumiti si Xavier. "Ngayon mo ipakita ang kasamaan mo. Tignan natin kung paano magpatayan ang mag-amang demonyo." sabi pa nito.




*SHAN'S POV*


"Ang lamok naman dito!" sabi ko habang inis na pinapatay ang mga lamok na dumadapo sa balat ko.

Lokong mga lalaking 'yon, iniwan ba naman ako dito. Imagine, kababae kong tao tapos iiwan nila ako sa gitna nitong madilim at nakakatakot na gubat although nasa kalsada naman ako pero kahit na, nasa gitna parin ako ng gubat.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon