CH.3.6 At last (SPG)

8.5K 94 0
                                    

~•Relationships are like glass. Sometimes it’s better to leave them broken than try to hurt yourself putting it back together.•~

-Anonymous






Flashback Part 6




*ANGELA'S POV*





One week later.....




Bukas na ang alis namin papuntang U.S. pero hanggang ngayon tinatanong ko parin ang sarili ko


'Handa na ba ako?'



'Kaya ko na ba?



'Makakaya ko ba?



Kakayanin ko ba?



Kahit naman siguro HINDI ang isagot ko wala rin naman akong magagawa e. Marami na akong luhang nasayang, malaki na ang naisakripisyo ko para dito at kabilang nado'n ang taong mahal ko kaya wala ng dahilan para umatras pa.

Isang linggo akong hindi nagpakita kay Bryle pero maraming nagsasabi na araw-araw at gabi-gabi daw ako nitong hinahanap, halos hindi na daw ito natutulog at kumakain sa kahahanap sa'kin pero ang mas dumurog sa puso ko ay nang mapag-alaman ko na lagi daw siyang umiiyak at umiinom sa tuwing nabibigo siyang makita ako.

Feeling ko pinahihirapan ko ang asawa ko pero wala naman akong magawa dahil parte 'yon ng mga desisyon ko. Hiling ko lang na sana'y makayanan niya kapag tuluyan na akong lumayo sakanya.

Alam kong magiging masakit at mahirap sakanya pero ganun din naman ang mararamdaman ko at siguradong mas doble pa.

Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na paghinga bago ako pumasok sa loob ng bahay namin.

Oo, nandito ako ngayon sa bahay namin ni Bryle para kunin ang iba kong gamit, sinigurado ko naman na pupunta ako dito sa oras na alam kong wala siya. Malamang ay nasa office siya sa mga oras na 'to kaya sinamantala ko ang pagkakataon para makapunta dito at gawin ang dapat kong gawin.

Linibot ko ang aking paningin sa paligid at agad kong napansin ang malaking pagbabago ng bahay simula nang huli akong tumapak dito. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang gulo ng bahay at parang nawalan ito ng sigla at kulay.

Hindi ko maiwasang malungkot sa nakita ko, ganito pala ang mangyayari kapag nawala na 'ko? Parang ang pagkawala ko ay siya ring pagkawala ng buhay ng bahay na 'to. Matiyaga kong kinabisado ang bawat detalye ng aming bahay baka kasi ito na ang huling beses na mapupuntahan at makikita ko ang bahay na siyang naging saksi sa pagmamahalan namin ng asawa ko. Ganun pa man, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kuwarto namin ni Bryle.

Dito namin binubugsog ng pag-ibig ang mga puso namin, ito ang saksi sa init ng aming pagiibigan pero baka ito na ang huling araw na muli ko itong masisilayan. Binuksan ko ang pinto at ganun na lamang ang aking pagkabigla sa nakita ko. Otomatikong kumabog ang aking dibdib.

"Bryle?!" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito.

Bakit siya nandito?

Hindi ba't dapat ay nasa office siya ngayon?

Nakaupo at nakasandal siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang isang bote ng alak.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon