CH.44 Wife Figure

4.9K 72 2
                                    

~•When a man steals your wife, there is no better revenge than to let him keep her.•~

-Anonymous




*ANGELA'S POV*


"Kung ganun, ikaw si Craige." tinuro ko ang lalaki na may tattoo sa leeg. "At ikaw naman si Greg." turo ko din sa lalaking medyo may katangkaran at blond yung buhok.

"So, Craige and Greg, how's my Tinola with papaya and sayote?" I asked while wearing a big smile.

Kahit hindi ko tanungin halata naman sa mga mukha nila na sarap na sarap sila sa tinola ko.

Nagpangalong-baba ako sa bar counter ng kitchen at tinitigan sila habang linalantakan ang linuto kong tinola. Si Greg yung sabaw ang tinitira tapos manok naman ang trip ni Craige.

"Hoy, magsalita naman kayo. Kanina pa ako salita ng salita dito." sabi ko sakanila.

"Pasensya na ma'am. Sobrang sarap po kasi ng tinola niyo, sabaw palang panalo na." Greg sabay higop ng sabaw.

Natuwa naman ako sa sinabi niya, yung huli kasing kumain ng tinola ko namatay este tinapon lang na parang basura. Sa malamang mamaya i-ignorin niya na naman ang specialty ko. Hmp, bahala siya sa buhay niya.

"Speechless nga po kami e, haha." sabi naman ni Craige na sakmal-sakmal pa ang chicken legs.

"Obvious nga e." sabi ko naman.

"Hoy, umayos ka nga." puna sakanya ni Greg.

"Sige lang, kain lang kayo. Marami pa dun, kung gusto niyo ubusin niyo lahat e." sabi ko sakanila.

Mas mabuti pa na ipaubos ko nalang sakanila lahat kaysa naman dumeretso pa sa basurahan ang pinaghirapan ko.

"Naku, okay na po kami dito. Baka po kasi maubusan pa si Boss Bryle." takot na sabi ng mga ito.

"Naku, hayaan niyo yun. Matibay sikmura no'n, kahit hindi kumain 'yon ng ilang linggo kaya niya." sabi ko.

Sa pagkakaalam ko, hindi tinatablan ng gutom ang mga taong lulong sa droga.

Bakit ba kasi ipinagluto ko pa siya? E alam ko naman kung ano ang kapupuntahan no'n.

Napatingin ako kila Craige at Greg, napansin ko na tumigil ang mga ito sa pagkain kaya nagtaka ako.

Anong nangyari sa mga 'to?

"Bakit kayo tumigil? 'Wag niyo sabihin busog na kayo? Ang dami pa o, ubusin niyo lahat 'yan. 'Wag kayo magtitira, siguradong hindi na kakain yung boss niyo, iba kasi ang linalaklak no'n e." sabi ko sakanila. Okay lang naman na ubusin nila lahat e, mababait naman sila hindi tulad ng boss nila na sagad sa buto ang kasamaan.

Napansin ko na wala parin kibo ang mga ito. Ano ba talagang nangyari sakanila?

Nakatingin lang sila sa likod ko. Hindi ko maintindihan, hindi ko alam kung nabilaukan ba sila o kung ano.

"Ano ba'ng nangyayari sa inyo? Ba't parang nakakita kayo ng multo?" pagkasabi ko no'n ay biglang tumayo ang mga ito na parang mga sundalo.

"S-sir Bryle, M-magandang gabi po." nahinto ako sa sinabi nila.

Tama ba ang narinig ko?

Si Bryle?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pangalan niya.

Kanina pa ba siya?

Narinig niya kaya ang mga pinagsasabi ko?

Lagot ako kapag nagkataon.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon