~•Good relationships don’t just happen. They take time, patience, and two people who truly want to be together.•~
-Anonymous
*BRYLE'S POV*
"S-SIR, NAPASOK PO TAYO!!!" aligagang sabi sa'kin ng isa sa mga tao ko.
Nagsalin ako ng brandy sa goblet sabay ininom ito. Hindi na 'ko nagulat sa sinabi ng tao ko, alam ko na magagawa nilang malusutan ang mga bantay ko.
"Napatumba nila ang mga bantay natin sa labas at ngayon ay nagbabalak na silang pumasok sa trankahan." dagdag pa niya.
"Hindi parin sila nagbabago. Magagaling parin sila tulad ng dati." bulong ko. Mali na hindi ko sinabihan ang mga tao ko sa mga kayang gawin ng mga kaibigan ko.
"Makakaalis ka na." matipid na sabi ko sakanya.
Nagulat naman ito sa narinig niya. "S-sir, hindi po ba natin sila lalabanan?" tanong nito.
"Bakit niyo sila lalabanan, e mga bisita ko sila!? Sabihin mo sa mga kasama mo na buksan ang gate at papasukin sila." utos ko dito. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Po!?" siya.
"Narinig mo 'di ba? Mga kaibigan ko sila, hayaan niyo silang pumasok. Huwag niyo sila papuputukan." utos ko.
"S-sige po sir." sabi nito nang may pag-aalinlangan.
Lumabas ito ng silid habang nagkakamot ng ulo. Siguro'y nagtataka ito kung bakit ko patutuluyin ang mga kaaway sa sarili kong teritoryo. Well, hindi ko naman talaga sila mga kaaway, mga kaibigan ko parin sila kahit na may hindi kami napagkasunduan. Alam ko ang sadya nila dito, nakakainis lang dahil sinama pa nila ang Xavier na 'yan.
Sumilip ako sa malaking salamin kung saan tanaw ang buong isla.
Ang inaalala ko sa mga oras na 'to ay si Angela. Gabi na pero wala parin sila hanggang ngayon. Gusto isipin na masyado lang itong nasarapan sa pamamasyal kaya ginabi sila pero hindi, kinukutuban ako ng masama kaya pinasundan ko na sila sa mga tao ko, hindi ko rin kasi ma-contact sila Greg at Craige.
"Nasa'n ka na bang babae ka!?" nag-aalalang tanong ko.
Parating palang ang mga tunay na kalaban kaya ngayon palang ay kailangan ko nang mailayo dito si Angela.
*WAYNE'S POV*
Nasa tapat kami ng mataas na gate habang pinag-iisipan kung paano namin ito papasukin. Mga ilang minuto narin siguro kaming nakatanga dito kaiisip kung paano kami makakapasok sa loob kung ganito kataas at katibay ang gate na gawa pa sa bakal.
Kahit si Blood ay napapaisip kung paano namin ito mapapasok.
"This is impossible!" sabi niya.
"Kung ako lang si Incredible hulk kanina ko pa binasag ang pader na 'yan." wika naman ni Blaze.
"Mahihirapan tayo pasukin 'yan." sang-ayon din si Xavier.
Hindi talaga madaling pasukin ang trangkahan. Hindi ito kasama sa plano namin and first and foremost hindi naman namin inasahan na ganito pala kataas ang pader na nakapalibot sa bahay.
"As if kung pagbubuksan nila tayo." ilang segundo lang bago sabihin ni Blaze iyon ay biglang tumunog ang lock ng gate.
Nanlaki ang mata ni Blaze. Nagkatinginan din kami sa isa't isa at agad na hinanda ang mga sarili namin sa posibleng pag-atake nila.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...