~•You care so much to feel as though you will bleed to death with the pain of it•~
-J.K. Rowling
*MANANG MARTHA'S POV*
'Buuuuggssshhh'
Agad akong bumangon sa higaan ko nang makarinig ako ng kalabog mula sa labas ng bahay. Dali-dali akong pumunta sa labas upang tignan ang pinagmulan ng ingay ngunit hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay agad na itong bumukas.
Bumulaga sa'kin ang lasing na lasing na si Bryle. Saglit siyang napahawak sa gilid ng pinto bago ito nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng bahay. Napansin ko agad ang mga sugat at pasa nito sa mukha.
"Diyos ko, Bryle. Ano ba'ng nangyari sa'yo? Naaksidente ka ba?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang nakapasak sa bibig niya ang bote ng alak.
"Ano ba'ng nangyari sa batang ito?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan siyang pagewang-gewang kung maglakad.
Tumingin ako sa labas ng bahay, napailing nalang ako nang makita ko ang kotse nito na bumangga sa kalahati ng gate dahilan para matumba ito, ito siguro ang narinig kong ingay kanina.
Bumalik ang tingin ko kay Bryle, nakasalampak na ito sa sofa habang umiinom parin ng alak. Kung tunggain niya ang bote ng alak akala mo'y tubig lang ito. Ngayon ko lang ulit siya nakita na ganito kalasing, madalas uminom si Bryle pero yung kaya niya lang dalhin pero ngayon halos lunurin niya ang sarili niya sa alak kaya hindi maiwasan magtanong kung may dahilan ba ang paglalasing niyang ito.
Sinundan ko siya sa kanyang kinaroroonan at pilit na kinuha mula sakanya ang hawak niyang bote ng alak pero hindi niya ito binigay sa'kin. "Manang! kung gusto mo din maglasing kumuha ka ng sarili mo, 'wag mo kunin itong sa'kin."
"Tama na 'yan, Bryle.....Lasing ka na!" sabi ko sakanya pero hindi siya nakikinig sa'kin. Ano ba'ng aasahan ko sa taong lasing?
"Akin na 'yan!" pinilit ko ulit itong kuhanin sakanya pero iniiwas niya ito sa'kin. "Akin na 'yan sabi e, tignan mo nga yang sarili mo, lasing na lasing ka na." sabi ko habang pilit parin kinukuha sakanya ang bote ng alak.
"Ano ba, Manang!? 'Cough' 'Cough' hayaan niyo nalang ako 'Cough'" pagpupumilit nito.
"Anong hayaan? Akin na 'yan." muli kong inagaw sakanya ang bote. "Bryle, isa!"
"Ano ba!? Eto na nga lang ang meron ako kukunin niyo pa." napahinto ako sa sinabi niya. Napakalalim para sa akin ng binitiwan niyang salita. Tumayo ito at naglakad papunta sa kusina pero nakakailang hakbang palang ito ay natumba na siya.
"Bryle!!" sabi ko habang inalalayan siyang tumayo. "'Yan na nga ba ang sinasabi ko e."
"Gusto ko puntahan si Angela 'Cough'" napahinto ako sa sinabi niya. "Nasaan si Angela, umuwi na ba siya!? Nasaan si Angela, Manang!?" biglang nahaluan ng kaguluhan ang isip ko.
Hinahanap niya si Angela pero wala nakaalis na siya dito sa bahay at ang ipinagtataka ko ay tinatanong niya kung nakauwi na ba si Angela, ibig sabihin alam niya na umalis ito.....pero papaano?
"N-nasa kuwarto siya, nagpapahinga na." nalilito man ay sinabi ko nalang na natutulog na ito sa kuwarto niya, bahala na bukas kapag nalaman niya na nakatakas na si Angela.
"HAHAHAHAHAHA!!!" napuno ng halakhak ang buong sala.
"Hahahahahahaha!!!Nakakatawa!!!" pagpapatuloy niya sa pagtawa. "Pati ba naman kayo, manang....magsisinungaling sa'kin." nagulat ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...