~•A lie would have no sense unless the truth were felt as dangerous.•~
-Alfred Adler
*ANGELA'S POV*
"Saan ka nagpunta!!?" Bryle asked with a substantial anger.
I'm now standing in front of him, dumb and speechless. I don't know what to say. Nervousness made my hands trembled again. Eto lagi ang nangyayari kapag linalamon siya ng kanyang galit and sadly, I always be the object of his fury.
"Sabi ko saan ka nagpunta!!!?" I almost jumped in shock when he yelled.
Hindi ako makapag-salita, natatakot ako na baka may masabi ako na hindi niya magustuhan at alam ko na kapag nangyari yun ay sasaktan na naman niya ako.
Mas umigting ang galit sa kanyang mukha nang wala siyang makuhang sagot sa'kin. Iniwas ko ang tingin ko sakanya at idinako nalang ito sa kinaroroonan ni Manang Martha. Mababakas sa mukha nito ang pinaghalong kaba at takot gaya ng nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko na alam kung ilang beses na ako napunta sa ganitong sitwasyon, siguro napakarami na pero hanggang ngayon hindi parin ako natututo.
Kung nakinig lang sana ako kay Manang, kung umuwi lang sana ako ng mas maaga, wala sana ako dito ngayon. Ako mismo ang nagdarang sa sarili ko sa umaapoy na galit ni Bryle.
"HINDI KA SASAGOT!!?" lumapit si Bryle sa'kin at inambahan ako ng sampal pero agad siyang pinigilan ni manang.
"M-May pinabili lang ako sakanya sa palengke." matalim na tinignan ni Bryle si Manang ngunit agad din itong nagbalik ng tingin sa'kin, nandun parin ang galit.
Tinignan niya ako ng deretso. As usual salubong na naman ang dalawang kilay niya.
"Is that true!??" ma-otoridad na tanong niya sa'kin.
"A-ah." nagbalik ako ng tingin kay Manang. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko, kung magsisinungaling ba 'ko o sasabihin ko nalang ang totoo sakanya.
Linakihan ako ng mata ni manang, parang sinasabi niya na makisakay nalang ako.
Hindi ko alam kung tama ba na magsinungaling ako kay Bryle. Kapag nalaman niya na hindi ako nagsasabi ng totoo'y baka saktan niya ako at baka pati si Manang Martha idamay niya pero ganun din naman ang mangyayari kapag sinabi ko ang totoo, siguradong sasaktan niya rin ako.
"WHAAT, NOW!? I need your answer not your fucking stare." Bryle.
"T-totoo ang sinabi ni Manang, may binili lang ako sa palengke. Na-stock lang sa traffic ang jeep na sinakyan ko kaya ngayon lang ako nakarating, pasensya na kung medyo ginabi ako." iyinuko ko ang ulo ko at pumikit ng madiin matapos ko sabihin ang mga salitang iyon.
I tightly crossed my fingers, hoping this time he will believe me pero kung hindi man niya ako paniwalaan sana handa ang katawan ko na saluhin ang malalakas ng sampal at suntok na pwede niyang ibigay sa'kin.
Ilang segundo na ang nakalilipas pero wala parin akong natatanggap na reaksyon mula sakanya. Ganito pala ang feeling kapag nagsisinungaling ka sa isang tao, nakakakaba kasi alam ko na may tendency si Bryle na manakit. Palibhasa'y hindi ako sanay na magsinungaling kaya ganito.
Sana lang talaga mapasakay ko siya, alam ko na hindi madali yun dahil matalino si Bryle, hindi mo siya basta-basta maloloko.
Unti-unti akong nagtaas ng tingin para tignan kung ano ang kasalukuyang lagay ng mga pangyayari, para kasing nagiging awkward na habang tumatagal.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...