CH.39 Midnight Visitor

4.3K 61 0
                                    

~•Mistake is a single page of life but relation is a complete book. So don’t lose a full book for a single page.•~

-Anonymous



*ANGELA'S POV*



"GAGO TALAGA 'YANG BRYLE NA 'YAN!!! KAPAG NAKITA KO SIYA BABASAGIN KO TALAGA ANG PAGMUMUKHA NIYA KAHIT GAANO PA SIYA KA-GWAPO." halos magtakip na kami ng tenga ni Xavier dahil sa kasisigaw nitong si Shan, kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito sa ospital, hindi ba siya nahihiya?

"Pwede ba Shan huminahon ka nga!? Highblood ka masyado e." sabi ko sakanya.

"Sino ang hindi maha-highblood? E sinasaktan lang naman ng demonyong 'yon ang bestfriend ko." kaya hindi ko sinasabi sakanya ang mga nangyayari sa'kin e dahil siguradong ganito ang magiging reaksyon niya, hysterical mode ang loka.

"Okay na nga ako 'di ba, nakaalis na ako sa bahay niya kaya tapos na." sabi ko.

"Kahit na, dapat pagbayaran niya ang mga pananakit niya sayo, pwede kang dumulog sa GABRIELA para kasuhan ang lalaking 'yan" sana lang naririnig niya ang sinasabi niya. Kasuhan? Ewan ko nalang.

"Para namang mananalo tayo sakanya, baka sa huli ako pa ang ipakulong niya." mukhang nag-agree naman si Shan sa sinabi ko, alam naming dalawa kung gaano ka-impluwensya si Bryle, kaya niya baliktarin ang batas for his own good.

"Oo nga, tama ka do'n. Alam mo Angela, ang tanga mo rin kasi e." hala, bakit napunta sa'kin ang sisi? Sa huli ako pa ang nagisa sa sarili kong mantika.

"Kung hindi ka bumalik sakanya,  hindi sana mangyayari sayo 'to. Kung nakakamatay lang ang ka-martyran siguradong matagal ka nang tigok." pagkatapos niya mura-murahin si Bryle sa'kin din pala ang bagsak.

"Correction! Hindi ko siya binalikan, kinuwento ko na sayo ang lahat 'di ba, nakalimutan mo!?" wala naman talaga akong balak na makipagkita pa kay Bryle noong una hanggang sa nangyari nga yung gabing 'yon.

"Kahit na! May choice ka parin na umalis o tumakas, kaya siguro madalas badtrip si Brent sayo dahil diyan sa katangahan mo." pagpapatuloy niya sa pagsermon sa'kin.

Buti nalang wala na si Brent dito dahil siguradong pati 'yon sesermunan ako gaya ng ginagawa sa'kin ng bruhang 'to.

"Pero teka nga." hindi na natapos ang bruha.

"Ano na naman 'yon!?" ako.

"Umamin nga kayo sa'kin. Matagal ka nang nagsisinungaling sa'kin Angela pero ngayon sisiguraduhin kong magsasabi ka sa'kin ng totoo, kayo na ba talaga?" nagkatinginan kami ni Xavier sa isa't isa.

Bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng tsismosang kaibigan? Nasa hot seat na naman tuloy ako. Wala naman akong choice e, alam narin naman ng lahat kung ano ang mayroon sa'min ni Xavier, unfair naman kung ide-deny ko pa sa sarili kong kaibigan.

"Parang ganun na nga." hindi ko siya binigyan ng direktang sagot dahil wala naman talaga kami ni Xavier, nagpapanggap lang kami.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!" nahinto ang lahat ng tao dito sa ospital nang biglang sumigaw si Shan. Nataranta ako kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Tumahimik ka nga! Nakakahiya ka talaga." sabi ko habang nagpi-peace sign sa mga tao, si Xavier ngumiti at umiling nalang.

"OMG!!! Is it true? Kayo na? eeeeei." kinikilig na sabi nito habang palipat-lipat ng tingin sa'min.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon