~•The hardest thing is to hurt yourself for the sake of others’ happiness.•~
-Anonymous
After 2 weeks.....
*SHAN'S POV*
Nadatnan ko si Xavier at sila Wayne na nakatayo sa tapat ng kuwarto ni Angela. Malamang bigo na naman sila na suyuin si Angela.
"Hindi parin ba siya kumakain!?" nag-aalalang tanong ko sakanila.
"She didn't even bother to open the door." sagot ni Blaze.
Napasapo ako sa noo ko. Ilang linggo na siyang ganito, hindi kumakain, hindi nagsasalita, lagi lang siya tulala at umiiyak. Nagsimula siyang magkaganito matapos ang gabing iyon, gabi kungsaan umalis si Bryle para sumama sa ama niya. Isinakripisyo ni Bryle ang kanyang sarili para iligtas si Angela at 'yon ang dahilan kung bakit sobrang nagdadalamhati ngayon si Angela, hindi na namin siya halos makausap, lagi nalang siya nagkukulong sa kuwarto niya.
"Normal lang na magkaganito siya pero kapag lagi nalang siya ganito baka hindi magtagal magkasakit na siya." wika ni Blood.
Tama si Blood. Nangako kami kay Bryle na aalagaan namin si Angela, 'yon ang kaisa-isang pabor na hiningi niya sa'min bago siya umalis at iyon ang dapat namin gawin. Hindi niya dapat maramdaman na mag-isa siya, kailangan namin siya pasayahin sa kabila ng lungkot na nararanasan niya ngayon.
"May balita na ba kayo kay Bryle?" pagiiba ko.
Wala na kasi akong naging balita sakanya magmula nang sumama siya sa demonyo niyang ama.
"Ang balita ko nakaalis na siya ng bansa noong isang linggo." sagot ni Wayne.
Matagal na pala siya nakaalis. Malamang nagbubunyi na ngayon ang hari ng mga demonyo dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagtagumpay na naman siyang paghiwalayin ang dalawang taong nagmamahalan, palibhasa walang nagmamahal sakanya kaya todo ang effort niya na mang-wasak ng relasyon.
Hmp. Bakit ba siya ang iniisip ko? Dapat si Angela lang ang isipin ko ngayon.
"Wala na ba talaga siyang pag-asang bumalik? Kasi siya lang talaga ang kailangan ngayon ni Angela." curious na tanong ni Blaze.
"Imposible na siyang makabalik dito sa Pilipinas, naka-settle na siya sa Italy at siguradong hindi na siya hahayaan ni Tito Emmanuel na makabalik pa dito." sagot ni Blood sa tanong ni Blaze.
"'Wag na natin asahan si Bryle, nagawa niya na ang parte niya. Tayo lang ang makakatulong kay Angela ngayon." sabi naman ni Wayne sa'min.
Sang-ayon ako kay Wayne. Kami nalang ang meron si Angela ngayon at kami lang din ang makakatulong sakanya para maka-recover siya sa labis na sakit na dinaranas niya ngayon.
"Alam ko na kung sino ang makakatulong sa'tin." biglang nagsalita si Xavier na nakasandal lang sa pader.
"Sino!!!?" sabay-sabay naming tanong.
*THIRD PERSON POV*
Madilim, tahimik at purong kalungkutan ang namamayani ngayon sa apat na sulok ng silid kungsaan naroon si Angela. Nakatagilid ito habang nakahiga sakanyang kama. Tanging ang tunog lang ng orasan ang nakikipagsabayan sa paisa-isang luha na gumuguhit sa kanyang mukha.
Tulala ito habang matiyagang nakatanaw sa saradong bintana ng kanyang kuwarto. Hindi niya alintana ang gutom at pagkauhaw, sapat na ang nararamdaman niyang kalungkutan upang hindi maramdamam ang mga ito. Walang mapagsidlan ang saya sa puso niya, tanging ang sakit at hapdi lang ang nagsasabi sakanya na buhay pa siya, na pumipintig pa ang puso niya kahit na para sakanya'y wala nang saysay ang bawat paghinga niya.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...