~•By constant self-discipline and self control you can develop greatness of character.•~
-Grenville Kleiser
*ANGELA'S POV*
Sunny side up
Scrambled eggs
Omelet
Hotdog
Tocino
Tapa
Corned beef
Fried rice
At coffee.
Iginala ni Bryle ang kanyang paningin sa mga pagkaing nakahain sa harapan niya.
Siguro naman wala na siyang reklamo? Linuto ko na halos lahat ng laman ng ref niya.
Nakatayo ako sa kanyang gilid habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon niya at yun ang nakakainis dahil wala man lang siyang reaksyon.
Inis akong tumingin sa ibang direksyon.
"Kain na sir baka ma-late kayo sa trabaho niyo." tinatamad na sabi ko habang naka-cross arms.
'Wag niya sabihing aarte na naman siya. Linuto ko na lahat ng pwede kong lutuin para may pagpilian siya.
Ano pa ba'ng gusto niya!?
"Mukhang napasarap ang tulog mo, ah. Masarap ba matulog sa labas!?" nang-iinis na tanong nito habang naka-ngisi.
Mukhang tuwang-tuwa talaga siya kapag nakikita niya akong nahihirapan.
Try niya kaya matulog sa labas nang malaman niya, tignan na'tin kung hindi siya papakin ng mga lamok.
"Try mo kaya." bulong ko.
"Sabi mo!?"
"Wala! sabi ko ang sarap pala matulog sa labas, mahangin, presko, malamig, matigas yung semento, ang daming lamok at walang istorbo. Ang sarap, grabe. Try niyo sir minsan."
"Nah."
Madaling araw na nang makapasok ako sa bahay. Buti nalang at nakulit ni Manang Martha si Bryle na ibigay ang susi.
Kahitpapaano'y nakatulog naman ako, ewan ko kung paano pero pakiramdam ko'y may kasama ako.
Hindi ako nakaramdam ng panganib at takot, pakiramdam ko'y ligtas ako sa bawat pagpatak ng oras.
Parang may nagbabantay sa'kin buong magdamag. Siguro anghel ang dumamay sa'kin kagabi dahil baka naisip nila na masyado na akong pinahihirapan ng demonyo kong amo.
Binalik ko ang tingin ko sakanya. May hawak na siyang tinidor pero hanggang ngayon ay naka-tingin parin siya sa mga ito.
"Baka linagyan mo nang lason ang mga 'to!?"
Anong lason ang sinasabi nito!?
Vetsin lang ang linagay ko diyan pero kung pwede lang lagyan ng lason bakit hindi 'di ba!? Para matapos na ang kademonyuhan niya.
"'Wag kayo mag-alala, hindi ko kayo lalasunin. Bahala na ang panginoon ang magparusa sayo."
Sa kabila ng mga pananakit niya sa'kin ni minsa'y hindi ko inisip na gumanti sakanya.
Gusto ko siya mismo ang maka-realize ng mga pinag-gagawa niya.
"Umupo ka!" utos nito.
Napakunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...