~•There is a time to counsel of your fears, and there is a time to never listen to any fear.•~
-George S. Patton
*SHAN'S POV*
"Nasaan ka na ba, Angela?" hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Dapat kanina pa siya nandito pero hanggang ngayon wala parin siya.
Tinawagan ko na si Xavier, sinabi niya na parating na daw siya.
Sana mali ang iniisip ko. Sana walang nangyaring masama sakanya. Sana na-traffic o nakatulog lang siya, sana nga ganun lang.
"Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Xavier pagkababa niya ng kotse.
"S-si Angela kasi, hanggang ngayon h-hindi parin siya dumadating." ako.
"Tinawagan mo na ba siya?" Xavier.
"Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Xavier, baka may nangyari nang hindi maganda sakanya." hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng hindi maganda, kagabi pa ako kinukutuban ng masama pero isinantabi ko lang ito.
"'Wag ka mag-isip ng ganyan. Wait, tatawagan ko siya." natataranta nitong kinuha ang kanyang cellphone mula sa bulsa niya. Tumalikod ito sa'kin at sinimulang tawagan si Angela.
"Please, beshie.....sumagot ka." sabi ko sa isip ko habang nakatingin ako kay Xavier na nakakailang pindot na sa cellphone niya.
"Please, Angela! Answer your phone." bulong ni Xavier na hindi na mapakali. Ramdam ko na tinatablan narin siya ng kaba, ilang minuto na kasi ang nakalilipas pero wala parin kaming natatanggap na sagot mula kay Angela.
"F*ck!" sabi ni Xavier sabay bulsa sa cellphone niya.
"Bakit ano'ng nangyari!?" tanong ko kaagad.
"Ive been calling for a lot of times but she's not answering her phone." inis na sabi niya.
"Ano'ng gagawin natin ngayon? Male-late na tayo sa flight natin." sabi ko.
Nasaan ka na ba, beshie?
Dinukot ni Xavier ang susi mula sa bulsa niya at naglakad papunta sa kanyang kotse, sinundan ko ito at tinanong kung saan siya pupunta. "Saan ka pupunta!?"
"Pupuntahan ko na siya sa bahay niyo. Ayoko maghintay lang dito." sagot niya.
"S-sasama ako." ako.
"Bahala ka." sabi niya sa'kin, dali-dali akong pumunta sa kabilang side ng kotse at sumakay din.
Habang na sasakyan kami ay wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa beshie ko. Si Xavier hindi na halos makausap, tutok na tutok ito sa pagmamaneho.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Xavier kaya nakarating kami kaagad sa lugar namin. Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko nang papunta na kami sa bahay namin.
"Nakabukas ang pinto." sabi ko nang makita ko mula sa malayo ang bahay namin na bukas ang pintuan.
Hindi namin ugali na magbukas ng pintuan kahit na umaga pero bakit nakabukas ito?Parang ayoko nang tumuloy, ayoko makita ang madadatnan ko.
Pagkadating namin ng bahay ay napansin agad namin ang basag na picture frame sa mismong pintuan. Lumuhod si Xavier at pinulot ito. Dumeretso naman ako sa loob at itaas ng bahay para hanapin si Angela.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...