~•Scared is what you're feeling. Brave is what you are doing.•~
-Emma Donoghue
*MANANG MARTHA POV*
'Ano ba'ng ginagawa ng batang 'to!?'
Tanong ko sa sarili ko.
Kanina pa siya hindi mapakali. Tatayo, titingin sa labas tapos uupo na naman.
Ako ang nahihilo sakanya e.
"Ano ba'ng tinitignan mo diyan, Bryle!?" tumingin ito sa'kin at bumalik sa kinauupuan niya para ipagpatuloy ang kanyang almusal. "Kanina pa ako nahihilo sa'yo."
Hindi ito kumibo.
Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng mga plato nang bigla akong napatingin sa kalendaryo.
Tinignan ko kung ano nang petsa.
Lunes na pala.
Agad akong napatakip sa bibig ko at tumingin kay Bryle na sumisilip na naman sa labas.
'kaya pala!'
Ngayong araw pala ang balik ni Angela galing sa day off nito.
Kaya pala tingin ito ng tingin sa labas. Siguro'y hindi na siya makapag-hintay na makita ang asawa niya.
Hindi ko maiwasang kiligin. Sinasabi ko na nga ba na may nararamdaman parin ito sa asawa niya.
Galit-galitan kunwari pero inlababo parin pala.
Pati tuloy ako nagpapa-millennial, hihi.
May pag-asa parin ang BRYELA loveteam.
"'Wag ka mag-alala, dadating din 'yon." sabi ko habang naka-ngiti.
Kumunot ang noo nito."Hah, Sino!?"
Maang-maangan pa.
Wala kang maitatangi sa'kin dahil nagawa ko na 'yan noong araw.
Kita mo ngayon, maganda ang pagsasama namin ng irog ko, hihihi!!!
"E di si Angela!? Sino pa ba?"
Saglit itong napatawa at umiling-iling.
"The hell I care!" bulong nito.
Tumingin ako sakanya. Nagpatuloy lang ito sa pagkain at hindi na sumilip pa sa labas.
Siguro'y nakahalata na.
Tumalikod ako at muling pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Kulang lang ako kung wala ka,hindi ako mabubuo kung hindi kita kasama nasanay na ako na lagi kang nariyan, hindi ko kayang mag-isa puso ay pagbigyan....."
Parang gusto ko tumawa ng tumawa. Mga batang 'to talaga, wala na sila sa highschool pero wala paring nagbago.
"Manang itigil mo nga 'yan!!! Ang ganda ng sikat ng araw oh."
Parang ang sarap buwisitin ng alaga ko ngayon, ang lakas maka-I.L.A.
In Love Again. Hahahahaha.
*ANGELA'S POV*
"Magandang umaga po, Ms.Angela." bati sa'kin ni Manong guard.
Nginitian ko ito. "Magandang umaga rin po, Manong!?"
"Mukhang ang ganda po ng araw niyo,ah." sabi nito sa'kin.
"Hindi naman po manong. Pa'no niyo po nasabi!?"
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...