CH.34 Kiss

4.3K 70 0
                                    

~•The greatest thing in life is finding someone who knows all your mistakes and weaknesses and still loves you and thinks your the best thing in there life.•~

-Anonymous



*ANGELA'S POV*

"Nandito siya! Nandito si Bryle!" nanginginig na ang boses ko sa takot.

Bakit siya nandito? Ano ang ginagawa niya dito sa party ni Xavier? Ito ba ang party na dapat ay pupuntahan namin dalawa? Sinamahan ng kalituhan ang nararamdaman kong takot.

"'Wag ka matakot. Nandito lang ako, hindi ko na hahayaang saktan ka niya ulit, hindi na." pinipilit ni Xavier na pagaanin ang loob ko. Alam ko na ligtas ako sa mga kamay ni Xavier dahil alam ko na hindi niya ako papabayaan pero hindi ko maialis sa sarili ko na 'wag mag-alala. Ilang beses ko na nasaksihan ang mga kayang gawin ni Bryle at sigurado ako na walang sinumang babae ang magnanais na danasin ang nadanas ko mula sakanya.

Hindi na tinapos ni Xavier ang speech niya. I need to regain myself. Binigyan niya ako ng isang basong tubig nang makarating kami sa table namin. I was so anxious and flutter as of this time. Tulala ako habang aligagang minamasahe ang kamay ko.

"Gusto mo ba umalis na tayo dito!?" alok sa'kin ni Xavier.

Hindi ako makapagsalita kaya tumango nalang ako bilang sagot. Inalalayan niya akong tumayo mula sa kinauupuan ko pero nang paalis na kami'y nasalubong namin si Tito Apollo na naglalakad papunta sa'min. And guess what kung sino ang kasama nito, kasama lang naman nito ang pinakaiiwasan kong tao......si Bryle. Para akong aatakihin sa puso sa mga oras na 'to, normal lang mga kilos niya pero sa tuwing titingin siya sa'kin ay para akong napapaso sa umaalab niyang galit.

"Where are you guise going!?" tanong ni Mr.Apollo sa'min. "The party is not yet done."

"Dad, kailangan na namin umalis." Xavier said in a serious tone.

"No. No. Hindi kayo aalis." nakainom na si tito kaya medyo makulit na ito. "We have a very special guest here beside me. If I'm not mistaken nagkakilala na kayo?" Tumingin si Xavier kay Bryle at ganun din ang ginawa nito. Ang tatalim ng tingin nila sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Yah, I already know who he is? Kilalang-kilala ko na siya." Xavier said while giving a fake smile. Bryle gave a fake smile too.

"Really! Kung ganun kilala mo narin siguro kung sino ang babaeng kasama mo." tumingin siya sa'kin pero agad ako nag-iwas ng tingin.

"Of course, she's my fiancee. And I thought you are also engaged to someone, aren't you?" they are trying to act normal in front of many people around us pero sa mga tingin palang nila para na silang nagpapatayan. Dumating na ang kinatatakutan ko.

"Nga pala! Angela, this is Bryle Bryan Oxford. Bryle, this is Angela, my son's fiancee." pagpapakilala sa'min ni Tito Apollo.

Hala, ano 'to?

Ano ba'ng gagawin ko?

Mukhang wala talagang kaalam-alam si Tito tungkol sa aming dalawa. Bakit ako makikipagkilala sa taong kilalang kilala ko na? At bakit ko ipakikila ang sarili ko sa taong kilalang kilala na kung sino ako?

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon