CH.62 A Mother's Love

3.7K 48 0
                                    

~•Good mothers make all kinds of choices. Making a decision that might sound selfish does not make a woman a bad mother.•~

-Jada Pinkett Smith






*THIRD PERSON'S POV*




Naging mabagal ang paglakad ni Bryle habang palapit siya ng palapit sa taong nakaupo sa isang maliit na lamesa. Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Ayaw niya nang tumuloy pero hindi niya mapigilan ang mga paa niya na patuloy sa paglalakad papunta sa matandang babae. Huminto lang siya nang ilang dipa nalang ang layo niya dito.

Nabalot ng pagkamuhi ang kanyang mukha. Tumaas ang gilid ng labi niya kasabay ng pagsasalubong ng dalawa niyang kilay. Hindi niya gusto ang nakikita niya ngayon at kahit kaila'y hindi niya ito ninais na makita.

Matagal na itong wala sa buhay niya.

Para sakanya'y matagal na itong patay sa kanyang puso at isipan.

'Tayo nalang dalawa, Bryle. Iniwan na tayo ng mommy mo. Sumama na siya sa ibang lalaki.'

Sariwa parin sa alaala niya ang araw na 'yon, araw kung saan iniwan sila nito upang sumama sa ibang lalaki. Nakita niya kung paano nagdusa ang kanyang ama, at iyon din ang dahilan kung bakit nasira ang buhay niya.

Mahal niya ito, mahal na mahal dahil hindi niya maaalis sa buhay niya na ina niya ito at kakabit na ito ng kanyang buhay. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay nawala at napalitan ng galit.

"Walang ina ang gugustuhing iwan ang kanyang anak pero bakit ako iniwan niya?" isang tanong na matagal ding nanatili sakanyang isipan.

Pinagsanib ni Alice ang kanyang mga kamay habang minamasahe ito. Matiyaga niyang hinihintay ang pagdating ni Bryle, ang kanyang anak na ilang taon niya ring hindi nakita at nakasama.

Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ito. Salamat kay Angela na siyang nagbigay ng pag-asa sakanya. Ngayon ay halo-halong emosyon ang naglalaro sa loob niya, nasasabik na siyang makita at muling mayakap ang kanyang anak ngunit nakararamdam din siya ng kaba. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Bryle kapag nakita siya nito. Isa lang ang nasisiguro niya, alam niyang galit ito sakanya at ngayo'y hinahanda niya na ang sarili niya sa masasakit na salita at sumbat na pwede nitong ibato sakanya.

Inilibot niya ang mga mata niya sa paligid hanggang sa napadpad ang paningin niya sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kinauupuan niya. Nandito na ang taong ilang oras niya ring hinintay.

Tumayo siya at sinimulang ilakad ang kanyang mga paa. Otomatikong bumagsak ang mga luha sa mga mata niya habang papunta siya sa kinatatayuan ni Bryle. Hindi siya makapaniwala na matapos ang maraming taon na pagkakawalay ay nandito ngayon ang munting bata na iniwan niya na natutulog sa kama nito.

"A-anak." sabi ni Alice nang makaharap niya ang anak.

Deretso lang ang tingin ni Bryle, ayaw niyang makita ang taong nasa harapan niya ngayon. Mas lalo lang siyang linalamon ng galit.

Namumula na ang mga mata niya sa pagpipigil ng kanyang galit. Iyinukom niya ang kanyang mga kamay.

"B-bryle, anak."

Hindi na napigilan pa ni Alice ang sarili niya sa kasabikang yakapin ang anak. Matagal niya rin itong inasam at ngayon na ang pagkakataon upang yakapin niya ito ng mahigpit, mahigpit na katumbas ng matagal na pagkakawalay niya rito. "Sobra kang na-missed ni mommy." sabi niya.

Napuno ng galit si Bryle lalo na nang marinig niya ang boses nito. Iyinukom niya ng mahigpit ang mga kamay niya. Hindi niya na kaya pang pigilan ang kanyang sarili.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon