~•You might feel worthless to one person but you are priceless to another. Don’t ever forget your value.•~
-Anonymous
*ANGELA'S POV*
"Ate Ganda! Bili na po kayo ng sampaguita ko!" linapitan ako ng isang batang babae at inalok ako na bumili ng dala niyang sampaguita.
Ang cute ng batang 'to.
Kanina ko pa siya napapansin na palakad-lakad sa shore line at nagbebenta ng sampaguita pero wala ni isa ang pumapansin sakanya.
Lumuhod ako at pumantay sa bata na hanggang binti ko lang yata.
"Hello!" bati ko sa munting paslit.
Tinitigan ako nito na parang manghang-mangha sa mukha ko. "Ang ganda niyo po." sabi nito sa'kin tapos bigla niyang kinulong ang magkabilang pisngi ko gamit ang kanyang kamay.
Ang cute niya, para siyang si Moana.
Pinisil ko ang pisngi nito dahil nakakapanggigil talaga ka-cutetan niya. "Magkano ba 'tong sampaguita mo? Bibilhin ko na lahat." tanong ko sakanya.
"Talaga po! Bibilhin niyo na 'to lahat, Ate Ganda!?" tuwang-tuwa na tanong nito.
"Oo, ang galing mo kasi mambola e." sabi ko sabay pingot sa ilong niya.
"90 pesos nalang po ang lahat ng ito Ate Ganda." pagkasabi niya no'n ay inabot niya sa'kin ang lahat ng dala niyang sampaguita.
Binigyan ko siya ng isangdaang piso bilang bayad. "O sayo na 'yan lahat, hah. Ipangbili mo ng pagkain." ako.
Nang matanggap ang bayad ay umalis narin ito. Pinagmasdan ko ang bata habang masayang naglakad paalis, patalon-talon pa ito. Nakalimutan ko tanungin ang pangalan niya pero masasabi ko na sobra niyang napagaan ang pakiramdam ko.
Iba ang sayang binigay niya sa'kin. Siguro kapag nagkaanak na kami ni Bryle mas higit pa dito ang sayang mararamdaman ko.
Tatayo na sana ako nang biglang umikot ang paningin ko. "Ms.Angela, Okay lang po ba kayo!?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Greg.
"O-Okay lang ako." sabi ko sakanya pero sa totoo lang ay nahihilo na talaga ako.
Napahawak ako sa sintido ko at marahang naglakad. Ano ba ito? Bakit bigla akong nahilo? Hindi na maayos ang paglalakad ko.
"Ayos lang po ba talaga kayo?" tanong naman sa'kin ni Craige.
Tumango nalang ako para sabihing oo pero nakakailang hakbang palang ako nang bigla sumikip ang dibdib ko, bigla akong hindi makahinga. Napahawak ako sa aking dibdib at saglit na napako sa kinatatayuan ko.
Ilang sandali pa'y unti-unti nang nagdilim ang paningin ko, bumigay na ang mga paa ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.
"MA'AM ANGELA!!!" sigaw nila Greg at Craige sa pangalan ko.
*THIRD PERSON POV*
Sa likod ng matanda at mataas na puno sa masukal na bahagi ng kagubatan nagkukubli ang apat na kalalakihan. Nakamasid ang mga mata nito sa isang rest house na ilang distansya lang ang layo mula sa kasalukuyan nilang kinaroroonan.
Malamig ang gabi ngunit tumatagaktak ang mga pawis nito mula sa kanilang mukha. Alam nilang hindi sila pwede magpadalos-dalos sa kanilang mga gagawing hakbang dahil maaring iyon ang magdala sa kanila sa tiyak na kapahamakan.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...