CH.66 Engagement

4.2K 40 5
                                    

~•Part of me aches at the thought of her being so close yet so untouchable.•~

-Anonymous






*THIRD PERSON'S POV*






Sanctuario de Palacios,
Milan, Italy
8:00 p.m





Dinaluhan ng mga kilalang personalidad ang malaking piging na idinaos ng Oxford Corp. At Oxford Group of Companies ngayong gabi, mga artista, politiko, mga tanyag na businessman at ang pinakamayayamang tao sa Europa ang mga pangunahing panauhin ng piging. Sa mga ganitong okasyon kadalasang nagtitipon ang mga aristocrats o mga taong masasabing nasa highest social class.

'This night is for well-heeled people only. There's no place for destitute people who make themselves impoverished. This world is like a pocket which created to collect money.'

-Mr.Oxford


Matagal na pinag-usapan at pinaghandaan ng mga tao ang gabing ito. Mula sa kanilang kasuotan hanggang sa mga suot nilang mamahaling alahas. Bukod doon ay may sari-sarili din silang mga baong kuwento na kanilang ibibida at ipagyayabang sa kapwa nila mayayaman.

Biyahe sa ibang bansa.

Bumili ng bagong yate.

Business expansion.

Regalong mga ginto at alahas.

Pataasan ng upuan, payabangan at pabanguhan ng pangalan ang nangyayari habang lumilipas ang mga oras. Lahat sila ay matataas pero iisa lang ang mga mukha nila at 'yon ay ang mukha ng pera. Ito ang nagpapatakbo sa mga buhay nila.

Isang oras narin ang nakalilipas nang matapos ang opening ng party. Hindi mapakali ang mga mata ni Mr.oxford sa pagmamasid sa paligid. Hindi niya ngayon makita ang kanyang anak na dapat ngayo'y humaharap sa kanilang mga bisita. Hindi niya rin ito magawang hanapin dahil abala siya sa pakikipagusap sa kanyang mga kapwa negosyante kaya pinahanap niya nalang ito sakanyang sekretarya.

Ang hindi niya alam, mas pinili ni Bryle na magmukmok nalang sa madilim at tahimik na silid kaysa makiharap sa mga taong halos kapareho lang ng kanyang ama. Para sakanya'y isa itong lupon ng mga gahaman at mga magnanakaw. Matapos siyang ipakilala ng kanyang ama bilang pinakabagong CEO ng kanilang kumpanya ay hindi na siya nagtagal pa do'n at dumeretso na siya sa taas ng hotel bagamat nasa baba lang ang venue ng party. Alam niya na kahit siya na ang may hawak ng OXCO, ang ama niya parin ang masusunod sa pagpapatakbo nito. Mananatili parin siyang parang aso na sunud-sunuran sa ama niya.

Ito ang buhay niya.

Ito ang silbi niya.

Ang gumawa ng pera at magpakayaman, ang maging tanyag na tinitingala at hinahangaan ng lahat, ang makisalamuha sa mga taong ipinalit ang kanilang buhay para sa pera. Perang nakaukit na sa isip at sa mga kaluluwa nila. Ito ang mundo niya at hindi magtatagal ay isa narin siya sa mga taong mas piniling lumuhod sa pera pero hindi niya hahayaang mangyari 'yon, hindi niya hahayaang maging katulad siya ng ama niya.

Ilang saglit pa'y tatlong katok sa pinto ang kumuha ng kanyang atensyon.

"Pasok!" pagbibigay pahintulot niya sa taong kumakatok sa pinto. Pumasok naman ang isang lalaki at napag-alaman niya na sekretarya ito ng ama niya.

Yumuko muna ito kay Bryle bago niya sinabi ang pakay niya.

"Anong kailangan mo?" tinatamad na tanong ni Bryle.

"Hinahanap na po kayo ni Mr.Oxford sa baba." sabi nito.

Hindi pa tapos ang party, at hindi pa tapos ang mga pagtitiis niya.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon