~•If you want to know what it's like to survive hell and still come out shining brighter than the sun, just look into the eyes of a woman who has survived intense damage and refused to allow it to destroy her softness.•~
-Nikita Hill
Face Down
The Red Jumpsuit ApparatusHey girl you know you drive me crazy
One look puts the rhythm in my hand
Still I'll never understand why you hang around
I see what's going downCover up with make up in the mirror
Tell yourself it's never gonna happen again
You cry alone and then he swears he loves youDo you feel like a man
When you push her around?
Do you feel better now, as she falls to the ground?
Well I'll tell you my friend, one day this world's got to end
As your lies crumble down, a new life she has foundA pebble in the water makes a ripple effect
Every action in this world will bear a consequence
If you wait around forever you will surely drown
I see what's going downI see the way you go and say you're right again
Say you're right again
Heed my lectureFace down in the dirt
She said "This doesn't hurt!"
She said "I finally had enough!"
*ANGELA'S POV*
Bottle
Rinig ko mula sa labas ng silid na ito ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Sa dagat niya pala ako dinala, kaya pala kahit anong sigaw ko para humingi ng tulong ay walang pumapansin sa'kin. Halatang pinlano niya ang lahat ng 'to.
Sa mga oras na 'to siguradong nag-aalala na sila Xavier sa'kin, at baka hinahanap narin nila ako.
Ngunit saan sila magsisimula? Kahit ako hindi alam kung saan ako dinala ni Bryle pero kahit na ganun ay umaasa parin ako na sana'y makahanap sila ng paraan para mahanap at itakas ako dito, sila nalang ang natitirang pag-asa ko.
Nakakadena parin ako dito sa kama, nangangalay na ang mga kamay at paa ko pero wala naman siyang pakialam e. Ito ang gusto niya, ang nakikita akong nahihirapan.
Ramdam na ramdam ko ang panunuot ng lamig sa aking buong katawan dahil bukas na bukas ang katawan ko para dapuan ng malamig na hangin mula sa labas. Para akong sanggol na walang saplot sa katawan. Si Bryle, kanina pa siya sa harap ko pero hindi man lang siya nag-abalang bigyan ako kahit isang pirasong damit o kumutan man lang. Bakit pa nga ba ako umaasa? e simpleng respeto nga hindi niya maibagay sa'kin damit pa kaya.
Nakaupo siya sa isang upuan habang pinagmamasdan ako. Hindi ko siya linilingon, naiinis ako dahil kahit sa mga tingin niya parang ginagawan niya ako ng masama. Malamang pinaplano niya naman kung ano ang susunod niyang gagawin sa'kin.
Tinungga nito ang natitirang likido sa hawak niyang bote ng beer bago siya tumayo at pumunta sa gilid ko.
"Ano na naman ang gagawin mo?" sabi ko sakanya na puno ng poot.
Biglang sumakit ang ulo ko nang mahagip ng aking ilong ang amoy ng alak, nahihilo ako kapag naaamoy ko 'yon.
Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan nang haplusin niya ako mula sa aking mukha pababa sa aking leeg hanggang sa dibdib ko. Naglakbay ito hanggang sa kaliwang hita ko kung saan siya tumigil.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...