CH.38 Restricted

4.7K 67 3
                                    

~•It is important to generate a good attitude, a good heart, as much as possible. From this, happiness in both the short term and the long term for both yourself and others will come.•~

-Dalai Lama



Dedicated to Cmmpatacsil





*ANGELA'S POV*

(Sige po, Manang! Ingat din po kayo.) ibababa ko palang ang cellphone ko nang biglang may umagaw nito mula sa kamay ko.

"Xavier!" gulat na tugon ko sa pangalan niya. Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang ino-off ang cellphone ko.

"Sino ang kausap mo!?" maotoridad na tanong niya sa'kin.

Bakit parang ang seryoso niya, hindi naman siya ganito dati ah.

"S-si Manang Martha." sagot ko.

Hinimas niya ang noo niya nang marinig niya ang sagot ko.

"Ito na ang huling kakausapin mo si Manang Martha hah." nagulat ako sa sinabi niya. Bakit bigla niya nalang ako pinagbawalan na makipag-usap kay Manang?

"Pero Xavier, bakit!? Wala nama masa--"

"Angela, pwede ba sumunod ka nalang. Kung gusto mo magkaroon ng bagong buhay dapat kinakalimutan mo na ang lahat ng taong kunektado sa nakaraan mo kahit na si Manang Martha pa 'yan." bakit siya nagkakaganito? Okay naman siya kanina.

"Kinakamusta ko lang naman si---" muli siyang sumapaw sa sasabihin ko.

"Sino? Si Bryle? Yung gago na 'yon." mas nagiging intense na ang tono ng pananalita niya.

Bakit ba siya nagkakaganito? Kung umakto siya para siyang si Bryle.

"Gusto ko lang naman siya kamustahin." malumanay na sabi ko.

"Kamustahin!!? Really, Angela? That demon? Tangina." he shaked his head.

He ended our conversation without returning my phone.

Sinundan ko siya para kuhanin ang cellphone ko. "Xavier yung cellphone ko." sabi ko habang hinahabol siya sa paglalakad. "Xavier, kailangan ko yan."

"Hindi mo na makukuha 'to, bibilihan nalang kita ng bago." sabi niya sa'kin, itinago siya pa ito sa suit niya para siguraduhing hindi ko na ito makukuha.

"Pero Xavier!" I complained.

"No more buts, Angela. I'm just trying to help you but you have to help yourself first, mukhang hindi mo parin alam kung nasaan ka ngayon." sabi niya sa'kin bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Nasaan na nga ba ako ngayon? Hindi ko alam, mukhang naliligaw parin ako matapos ko takasan ang mundo ko.

Naiwan akong nakatayo sa pasilyo ng mansyon. Wala narin akong nagawa kundi ang sumunod nalang, siguradong iniisip niya lang ang kapakanan ko kaya ganito ang naging asal niya.

Pagkatapos ng party kagabi ay minabuti nalang namin ni Xavier na tumuloy muna sa mansyon ng mga Moller, hindi na kasi kami pwedeng umuwi sa bahay niya gawa nga na magkapitbahay lang sila ni Bryle.

Buong araw wala si Xavier dahil inaasikaso nito ang mga papeles namin papunta sa New York. Nasabi at naipaliwanag ko narin kay Shan ang mga gagawin kong hakbang para hindi naman siya magulat na bigla nalang kami aalis ng Pilipinas. Noong una naguguluhan pa siya sa mga nangyayari, dahilan niya bakit daw aalis na naman kami e ilang buwan palang ang nakalilipas nang dumating kami dito galing ng States. Ipinangako ko sakanya na sasabihin ko ang lahat sa oras na nakaalis na kami ng pinas. Wala narin namang rason para ilihim ko pa sakanya ang mga nangyayari sa buhay ko, siguradong magtatampo na 'yon dahil hindi ko man lang siya binabalitaan sa mga nangyayari sa buhay ko.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon