CH.57 Missing Her

4K 61 3
                                    

~•They do not love that do not show their love. The course of true love never did run smooth. Love is a familiar. Love is a devil. There is no evil Angel but love.•~

-William Shakespeare




*XAVIER'S POV*


Hawak ko ang isang baso ng alak. Gusto ko maglasing, gusto ko lunurin ang sarili ko sa alak dahil hindi ko na makayanan ang mga nangyayari sa buhay ko at sa buhay ng taong mahal ko.

"Give me another shot." sabi ko sa bartender.

Hindi ko alam kung bakit ko pa ginagawa ang lahat ng 'to. Hindi niya rin naman ako kayang mahalin dahil malinaw na si Bryle ang mahal niya at hindi ako pero hindi ko ba alam. Ito siguro ang tinatawag nilang katangahan sa pag-ibig at sa lahat ng katangahan na nagawa ko sa buhay ko ito na siguro ang pinakamalala sa lahat.

Bumalik sa alaala ko ang araw na una kong nakita si Angela, it was bad and really annoying encounter but it's a life changing at the same time. Hindi ko lubos inakala na may seryoso na pala siyang sakit the moment I brought her to the hospital.

Kung hinayaan ko lang siya na mag-agaw buhay sa kalye no'n baka hindi ko mapapagtanto kung gaano kahalaga ang buhay. She really change my life, without her baka patapon na ang buhay ko ngayon, baka patuloy akong naging sakit sa ulo ni dad, baka laman ako ng mga casino at bar, bida sa kaguluhan tulad ng naging buhay ko dati. Binigyan ni Angela ng direksyon ang buhay ko, 'yon siguro ang dahilan kung bakit patuloy akong nagpapakatanga sakanya hanggang ngayon.

Sa kaunting panahon na nakasama ko siya, nakita at nasaksihan ko hindi lang ang kagandahan niya kundi pati ang kabutihan at katapangan sa loob niya, mga dahilan kung bakit ko siya minahal sa sandaling panahon na nakasama ko siya kaya ngayon hindi ko matanggap na maari siyang mawala sa'kin.

Sinabunutan ko ang buhok ko at tahimik na umiyak. "I can't afford to lose, Angela. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin."

Mas matatanggap ko pa na hindi ako ang mahal niya kaysa naman sa mawala siya sa buhay ko. At kapag dumating ang panahon na kailangan niya nang mamili, alam ko kung ano ang pipiliin niya, at sa panahon na 'yon kailangan handa na ako na mawala siya sa buhay ko, sa buhay naming lahat.

Sa ngayon, ang kaya ko nalang gawin ay ang pasiyahin siya. Alam ko kung gaano siya sobrang nasasaktan ngayon pero hindi ko hahayaang puro kalungkutan lang mararamdaman niya sa mga natitirang araw ng kanyang buhay.

I love her so much.

I love Angela.

Gusto ko pa siya makasama ng mas matagal, gusto ko pa siya ipagluto ng masasarap na pagkain tulad ng nakagawian naming gawin, gusto ko pa maglaro at makipaghabulan sakanya sa ulan. Marami pa akong balak gawin kasama siya pero magiging balewala ang lahat ng iyon kung mawawala na siya.







*ANGELA'S POV*


"Angela!" rinig kong tawag sa'kin ni Shan habang binubuksan ko ang mga mata ko.

Malabo pa ang nakikita ko pero naaaninag ko ang mga taong nakatayo sa paligid ko. At hindi ako nagkamali, nakita ko si Shan, Xavier at ang iba ko pang mga kaibigan na nakapalibot sa'kin.

"Okay ka na ba!?" tanong ni Shan nang makalapit siya sa'kin. Napansin ko na namumugto ang mga mata nito pero hindi na ako nag-abala pa na tanungin siya kung bakit.

"Anong nangyari!? Bakit ako nandito!?" tanong ko nang mapansin ko na parang nasa ospital ako.

Wala akong maalala.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon