~•Passion is one great force that unleashes creativity, because if you're passionate about something, then you're more willing to take the risk.•~
-Yo-yo Ma
*ANGELA'S POV*
"Ang gaganda niyo!" sabi ko habang magiliw na pinagmamasdan ang mga namumukadkad na bulalak mula sa garden ni Xavier na ako mismo ang nag-ayos.
Katatapos ko lang diligan ang mga ito. Nagtanim narin ako ng iba pang bulaklak na nabili ko sa kakilala kong farm owner para mas dumami at maging makulay pa ang mga alaga niyang bulaklak. Kahit na mag-isa siya siguradong hindi na siya malulungkot dahil sa mga ito.
Lumuhod ako upang amuyin ang namumukadkad na begonia flower na nakita ko. "Ganyan din ang ginagawa ko kapag pinagmamasdan ko sila. At sa lahat ng bulaklak na nandito, 'yan din ang pinaka-paborito ko." sabi ni Xavier mula sa likod ko.
"Eeeeeei. Favorite ka ng amo mo, kaya pala blooming ka e." sabi ko, rinig ko na tumawa ito.
"Bakit ka tumatawa!? Kinakausap naman talaga ang mga halaman para mas lalo silang lumago." I pouted, maybe he think that I am insane dahil nakikipag-usap ako sa bulaklak.
"Haha. Ang cute mo kasi tignan." pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya pero hindi ko 'yon binigyan ng kahit anong kahulugan. Ayoko nang maulit pa yung nangyari sa ospital.
"Cute talaga ako 'no." biro ko.
"E ako!!!" nabigla ako nang bigla siyang yumuko at pumantay sa mukha ko. Sobrang dikit ng mga mukha namin. Hindi ako nakapag-react agad dahil parang bigla akong natuliro. Ngayon ay nakatitig nalang kami sa isa't isa.
Biglang may kumabog sa dibdib ko. Palakas ng palakas habang palalim ng palalim ang mga titig namin sa isa't isa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at baka maging si Xavier ay naririnig din ito.
Ilang minuto din ang tinagal ng titigan namin bago dumampi ang isang patak ng tubig sa pisngi ko. Tumingala ako mula sa itaas at doon palang ako parang natauhan.
"X-Xavier!" tawag ko sa pangalan niya. Tulad ko, para din itong bumalik sa huwisyo matapos ang ilang minuto.
Hindi namin inaasahan ang biglang pagbuhos ng ulan kaya naman agad kong hinawakan ang kanyang kamay para ayain siyang pumasok na sa loob.
"Halika na!!" sinubukan ko siyang hilain pero hindi siya nagpahila. "Xavier, ano ba? Baka mabasa tayo!" ngumiti lang siya habang nakatingin sa'kin. Hindi siya umaalis sa puwesto niya na para bang wala siyang pakialam kung mabasa kami ng ulan.
"Xavier!!! Ano ba'ng ginagawa mo?" ako.
Ngumiti siya sa'kin bago ito nagsalita. "Basa na tayo, ano pa ba'ng iniintindi mo!?" hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"Xavier!!"
"Hindi sa lahat ng pagkakataon tatakbo ka at tatakas, minsan kailangan mo rin matutunan harapin ang lahat at enjoyin ito." mas lumakas pa ang ulan at tuluyan na kaming nabasa.
"Tara!!?" tanong niya sa'kin. Ginantihan ko siya ng ngiti. Hinila niya ako at sabay naming sinalubong ang ulan. Nagtakbuhan at naghabulan kami na parang mga bata na nagtatampisaw sa buhos ng ulan. Tama si Xavier, hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan kong tumakbo at tumakas dahil ito lang ang mas naglalayo sa'kin sa kasiyahan na hinahangad ko.
"Ang saya nito!!!" I said. Itinaas ko ang kamay ko at linasap ang bawat patak ng ulan na natatanggap ng katawan ko.
"Sabi ko naman sayo e. I-enjoy mo lang." sabi niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Possessive Nights (Completed)
RomanceAngela is the wife of renowned business tycoon, whom she left two years ago. A lot of drama circulated in her life these past few years until that night happened. She became the victim and a subject of bidding in a casino named Casa Del Valle. Every...