CH.65 Angela

3.9K 46 1
                                    

~•Sometimes you can't let go of what's making you sad, because it's the only thing that made you happy.•~

-Anonymous







*BRYLE'S POV*




Nandito ako ngayon sa park, nakaupo sa isang mahabang upuan habang pinapanood ang mga batang masayang naglalaro sa paligid. It brings me so much happiness seeing kids playing around without burdening a lot of problems like what I'm carrying right now. Wala silang iniisip kundi ang maglaro buong araw. Well this is where I meant to born. I wish I'm still a kid who have a freedom to do whatever I wanted to do.

Freedom to live a life without anyone dictating me.

Freedom to speak.

Freedom to choose.

And most of all, freedom to love.

Dahil sa kaiisip ay hindi ko napansin ang batang lalaki na nakatayo sa harap ko. He's staring at me wearing a big smile on his face at dahil do'n napangiti rin ako.

"Hello, what's your name." I asked.

"I'm Angelo, and what yours?" balik niya sa tanong ko.

Hindi agad ako nakasagot nang sabihin niya sa'kin ang pangalan niya. Bigla kong naalala si Angela, they almost have a same name.

"I-I'm Bryle." I introduced myself.

Lumuhod ako sa harap ng bata para pumantay ako sakanya. Hindi ko maiwasang hindi tumitig sa mukha niya dahil nakikita ko ang sarili ko sakanya. His nose, his lips, his facial expressions, lahat ng 'yon parang iisa lang ang pinagmulan. Para ko siyang anak. Kung may kakaiba man akong nakita sakanya 'yon ay ang mga mata niya. His light brown eyes are so innocent. Sa iisang tao ko lang huling nakita ang mga matang ito. It reminds me of Angela. Parang siya ang kaharap ko ngayon.

Binalot ng bata ang mukha ko gamit ang kanyang munting mga kamay then he asked me. "Why are you crying!? Did I say something wrong?" he asked.

"N-no, You're not." sabi ko sakanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"B-bryle, right!? So this rose is for you." linabas niya mula sa likod niya ang isang puting rosas at iniabot niya ito sa'kin.

Napatingin ako sa rosas at sa bata. Nagtaka ako kung bakit niya ako binibigyan ng rose. May pagtataka ma'y tinanggap ko parin ito.

Pagkatapos niya itong ibigay sa'kin ay bigla nalang siyang tumakbo, sinundan ko siya ng tingin at nakita ko na papunta na siya sa isang babae na nakatayo hindi kalayuan mula sa puwesto ko.

Hahabulin ko pa sana ang bata pero natigil ako nang makita ko siya na kinakausap ang babae. Nakayuko ang babae sa bata habang kinakausap niya ito. Yinakap niya ang bata at binigyan ito ng isang halik bago niya ito hinayaang maglaro sa field. Baka mommy niya iyon o older sister niya.

And all of a sudden, my world has stop as he turned her eyes on me thereby I saw her face. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at kasabay nito ang pagbagsak ng kapirasong luha mula sa mga mata ko.

Nakangiti siya sa'kin at ang ngiting iyon ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko pero lahat ng 'yon ay hindi dumaan sa bibig ko. Dahil ang sagot sa mga tanong na 'yon ay ito, nandito siya ngayon sa harap ko, nandito ngayon ang babaeng mahal ko.

"Angela!" bulong ko sa pangalan niya.

Muling lumapit sakanya ang bata at pumunta ito sa tabi niya. Hinaplos niya ang buhok nito at pareho silang tumingin sa'kin habang nakangiti.

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon