CH.27 Kidnapped

5.2K 80 1
                                    

~•Of all forms of caution, caution in love is perhaps the most fatal to true happiness.•~

-Bertrand Russell




*ANGELA'S POV*



"PAKAWALAN NIYO 'KO!!! PAKIUSAP, PAKAWALAN NIYO NA'KO!!!" sigaw ko. Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito, umaasa na may makaririnig sa'kin.

Nakagapos ako sa isang silya habang naka-blind fold naman ang mga mata ko kaya puro dilim lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga kidnappers basta nagising nalang ako na nakatali dito.

Hindi ko alam ang pakay sa'kin ng mga buwisit na kidnappers? Wala naman akong pera at mas lalong hindi ako mayaman kaya anong dahilan para kidnappin nila ako. Kung sinuman sila at kung pera man ang pakay nila sa pag-kidnapped sa'kin, ngayon palang sasabihin ko na sakanila na wala silang mahihita sa'kin. Maling tao ang napili nilang kidnappin.

"TULONG!!!TULUNGAN NIYO 'KO!! TULONG!!! NAGMAMAKAAWA AKO, TULUNGAN NIYO KO!!" muli ako sumigaw para manghingi ng tulong pero wala ni isang tumugon sa pakiusap ko.

Unti-unti na akong pinanghihinaan ng loob, baka dito na ang katapusan ko. Hindi man lang ako makakapagpaalam kay inay at kay Shan pati narin kay Brent at Xavier. Si Bryle, siguradong hahalakhak 'yon sa tawa kapag nalaman niyang patay na'ko, baka nga magpa-party pa siya.

Nagsimula nang mamasa ang telang nakabalot sa mga mata ko dahil sa luha. Ano ba'ng nagawa ko at bakit pinarurusahan ako ng ganito? Mabait naman ako, kung tutuusin parang teleserye ang buhay ko, ako ang bida na laging nalang umiiyak at inaapi pero eto lang yata ang istoryang walang happy ending? lagi nalang ako umiiyak at naghihirap.

Naging masama ba'ko para magdusa ako ng ganito? Kung lalagyan ko ng title ang kuwento na'to, the title will be LUHA 'cause I've been crying since start until the end of this tragic story. Ilang oras pa'y narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ng ilang mabibigat na yapak.

"Kung sinuman kayo, pakawalan niyo na'ko." sabi ko sakanila. "Wala kayong makukuha sa'kin, mahirap lang ako at nasa ospital pa ang nanay ko kaya parang awa niyo na, pakawalan niyo na'ko." I plea.

"Ano, papakawalan na ba natin?"

"'Wag ka maingay baka ma-bosesan ka!"

"Kawawa naman si Angela. Siguradong papatayin tayo ni Bryle hanggang sa kabilang buhay natin kapag nalaman niya 'to."

"Pwede ba, 'wag nalang kayo maingay diyan."

Palingon-lingon lang ako sa pinanggagalingan ng mga boses, mukhang may pinag-uusapan sila pero hindi ko maintindihan kung ano dahil bumubulong lang ang mga ito. Siguro pinag-uusapan nila kung ano ang gagawin nila sa'kin, huhuhu.

"Parang-awa niyo na, nakikiusap ako sa inyo...promise...hindi ako magsusumbong sa mga pulis basta pakawalan niyo lang ako. Kung gusto niyo may one-hundred pesos ako dito, if you want you can have it all without tax." pagmamakaawa ko. Sila na yata ang pinakamalas na kidnappers sa lahat dahil tulad ko pang isang dukha ang nakuha nila.

"Ano na?"

"Magpapakita na ba tayo sakanya?"

"Sino ba kasing nagsabi na kidnappin natin siya? we can talk to her without abducting her."

"Ewan ko ba sa inyo, may kidnap-kidnap pa kayong nalalaman diyan. Siguradong magagalit sa'tin si Angela dahil dito sa ginawa natin sakanya. Bahala kayo kapag nagsumbong 'yan kay Bryle."

"Siguradong magtatago tayo sa mga lungga natin kapag nalaman niya 'to, ganun din kapag nalaman niya na pinatay natin ang supplier niya ng droga."

Possessive Nights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon